Advertisers

Advertisers

McCoy dalawang beses iniligtas ng anak

0 4

Advertisers

Ni Archie Liao

NANG magsolo si McCoy de Leon at kumalas sa loveteam nila ni Elisse Joson, nagkaroon ng bagong sigla ang karera niya nang tangggapin niya ang kontrabida role ni David sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Katunayan, dahil sa pagiging epektibo niya bilang villain ni Coco Martin ay nakakatanggap daw siya ng death threats.



Bagama’t aware naman siya na maraming naiinis sa kanya, wala raw siyang karanasang sinasalbahe kapag siya ay pumupunta sa out of town shows para i-promote ang kanyang TV series.

Aminado naman siyang naging magulo noon ang pagsasama nila ng partner na si Elisse Joson.

Sey pa niya sa interview ni Ogie Diaz sa vlog nito, madalas daw na nahuhusgahan siya ng publiko noong kasagsagan ng kontrobersya sa kanilang pagsasama.

Gayunpaman, pinili lang daw niyang manahimik at huwag magsalita sa mga isyung ibinabato sa kanya.

May mga pagkakataon daw na na-depress siya at halos walang masulingan.



Hindi rin niya ikinaila na dalawang beses na naisip niyang wakasan na ang kanyang buhay.

Ang unang pagkakataon daw ay noong mag-motor siya papuntang bundok.

“May pangyayari na isang snap lang binagsak ako ng Panginoon na aabot na sa iri-risk ‘yung life ko kasi at that moment sabi ko, ‘Lord kung sakaling ano ang plano mo sa akin ikaw na ang bahala,’ pagbabalik-tanaw niya.”Nu’ng nag-motor ako Mama Ogs, paakyat ako ng Rizal at naisip ko, bahala na. Umabot ako sa isang Kapihan na ako lang mag-isa at nanonood ako, city view lang. May nakita akong image sa clouds na…mayroong isang baby and a guy dalawa lang sila, sabi ko ‘Lord meron ka pa palang plano sa akin kasi buhay pa ako, nandito pa ako (ngayon). Doon na nag-end and that’s my Felize! At hindi ko na maitatanggi ‘yun. At iyon ang dahilan ko para pa mag-continue sa life ko,” dugtong niya.

Ang ikalawang pagkakataon daw ay noong nagkahiwalay sila ni Elisse at namuhay siya nang solo sa kanyang condo.

“Nasa edge na ako ng window and sabi ko, ‘ayoko na kasi hindi ko maprotektahan ang sarili ko rin paano ko sasagipin ang sarili ko kasi hindi ako nagsasalita nga. Kinimkim ko, alam ko may rason ako, eh, pero hindi ako makapagsalita, mas gusto kong hindi magsalita kasi ang gulo na,” sey niya. “Ni-request ko lang na makita ko ‘yung picture ng anak ko and after no’n na-realize ko na from now on kaya ko iko-continue ‘yung life para sa baby ko,” pahabol niya.

Ang litratong gustong masilayan ni McCoy ay ipinadala sa kanya through cellphone at saka niya naisip na paano na si Felize kung wala na siya.

Sa ngayon daw, lahat ng ginagawa niya ay inspired ng kanyang anak.

Happy naman si McCoy na nagkaroon siya ng breather sa pagganap ng salbahe roles sa latest movie niya kung saan gumaganap bilang isang martir na pari.