Advertisers

Advertisers

SARI-SARING BALITA NG PAGKA-LUMPO NG NPA

0 29

Advertisers

LABING-siyam (19) na dating rebeldeng NPA ang kusang-loob na nagpakita at nanumpa ng katapatan sa gobyerno sa 20th Infantry Battalion Camp sa Barangay San Jorge, Las Navas, Northern Samar para sa amnestiya noong Feb 13.

Ang panunumpa ay nagmamarka ng pangako ng mga dating rebelde na suportahan ang mga pagsisikap ng gobyerno sa pagtataguyod ng isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

Nauna riyan ay ang pag-anunsiyo din ni Brig. Michele Anayron Jr., commander ng 4th Infantry Division ng Philippine Army na susuko na ang natitirang rebelde
sa Caraga, Northern Mindanao.



Inihayag ji Anayron na ang pagkamatay ni Myrna Sularte, isang mataas na NPA lider, ay malamang na ang huling dagok na hahantong sa kabuuang pagsuko ng mga natitirang komunistang rebelde sa rehiyon ng Caraga at Northern Mindanao.

Sa Silay City ng Negros Occidental, tatlong miyembro ng New People’s Army ang sumuko kamakailan sa pulisya sa Barangay E. Lopez, matapos makumbinsi sa pamamagitan ng Project Pag-Ulikid: Compassion with Action at Armas Baylo Bugas.

Ibinalik nila ang isang .38 caliber revolver, isang .22 caliber revolver, dalawang improvised 12-gauge shotgun na may tatlong bala, at dalawang 40mm explosives.

At sa Barangay Tamac, Villaviciosa, Abra, ay isang
bagong dalawang palapag na health station ang binuksan na nagdadala ng mas mahusay na pangangalagang pangkalusugan sa mahigit 800 residente.

Ang proyektong ito, pinondohan ng Support to Barangay Development Program (SBDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ay ang unang nakumpleto sa taong 2024 sa buong bansa. Inaasahang magbibigay ito ng madaling access sa healthcare para sa mga residente na dati nang nahihirapan makarating sa malapit na health facility.



Ano at para saan ang mga ibinabalita kong ito sa inyo? Ang mga ito ay para maiparating sa inyo na pakaunti nang kaunti ang pwersa ng NPA na dapat nating ipanalangin pa na sana ay magtapos na.

Sa dami ng enkwentro, sa pagsusumikap ng ating militar ay unti-unti nang nagsisisukonang kanilang miyembro. Ito ay sa kabila na rin, na mismong mga residente ng malalayong lugar na dati nilang pinamumugaran at pinipeste ay tumatalikod na rin sa pagsuporta sa kanila.

Sa huli, ang kailangang gawin ng natitira pang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF ay sumuko na lang, nang mailigtas ang kanilang mga buhay, at gumanda pa ang kanilang kabuhayan.