Advertisers

Advertisers

VP Sara may payo sa publiko sa pagpili ng kandidato: “Dapat hindi korap”

0 23

Advertisers

HINIMOK ni Vice President Sara Duterte ang mga mamamayan na bumoto base sa mga nagawang accomplishment at plano ng isang kandidato at hindi sa apelyido lamang.

Ayon kay VP Sara, mahalaga na pakinggan ang pangako ng mga pulitiko at tignan ang mga nagawa nila noon at kung ano pa ang kanilang kapasidad at abilidad.

Hindi dapat tignan ang apelyido lamang dahil ang importante ay ang mga pangako at naging paninindigan nito ganun din kung ano ang gagawin nito sa bansa.



Naniniwala rin ang Bise President na ang tao ay may kapangyarihan na baguhin ang kasalukuyang lagay ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng nararapat, tapat at may mararapat na manilbihan sa bansa.

Hindi naman nagbanggit ang bise presidente kung sino ang tinutukoy nitong mga kandidato na nararapat na iboto at hindi iboto.