Advertisers

Advertisers

STL operator binurdahan ng saksak

0 24

Advertisers

Patay ang isang operator ng Small Town Lottery (STL) nang burdahasn ng saksak ng 23-anyos na lalaking walang hanapbuhay sa Brgy. Sampa-loc, Pagsanjan, Laguna nitong Miyerkules ng umaga, February 26, 2025.

Kinilala ang biktima na si Mark Angelo de Mesa, 39-anyos, binata, residente ng Brgy. San Isidro ng bayang ito.

Sa report ng Laguna Police, ang biktima at ang suspect na tinukoy lamang sa pangalang Angelo ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sa nasabing lugar.



Sa kainitang pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo ang suspek at tinarakan ang biktima sa kaniyang dibdib.

Hindi pa ito nakuntento at pinagsasaksak pa ang nasabing STL operator nang sunud-sunod.

Duguan ang biktima na bumulagta sa insidente habang mabilis namang tumalilis ang suspek palayo habang ang una ay isinugod sa Laguna Medical Center sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna, subali’t idineklarang dead-on-arrival.