Advertisers
ITINABI muna ni Chezka Centeno ang pagkakaibigan pinatalsik ang kanynag mentor Rubilen Amit, 4-3, 4-2 para makapasok sa last 16 ng 2025 Las Vegas Women’s Open sa Rio All Suite Hotel and Casino sa Nevada Biyernes ng umaga Pebrero 28 (Manila time).
Centeno, ang 2024 edition champion, ay nanateling mahinahon sa first set kung saan nagtala ng hits para maiwan si Amit sa tabi at kumpletuhin ang kanyang back-to-back bid sa 64-player tournament.
Ang world 10-Ball champion ngayon ay maghihintay ng kanyang makalaban sa last 16 habang si Amit ay pinagdiskitahan ang Singaporean Silviana Lu, 4-1, 4-0, para manateling buhay kanyang pagtatalo.
Gayunpaman, ang Filipino bets ay puwedeng muling magtatagpo sa round of 16.
Centeno ay nanateling walang talo sa distaff side matapos dominahin ang American bets Nicolle Cuellar (4-0, 4-0), April Larson (4-1, 4-0) ng maaga.
Samantala, sa mixed doubles category, Centeno at Mark Estiola umabante sa quarterfinals matapos gibain ang German partners Joshua at Pia Filler, 4-1, 4-2.
Bago pumasok sa quarters, ginulpi ni Centeno at Estiola ang Norwegians Emil Andre Gangflot at Nina Torvund (4-2, 4-1), at Peru’s Gerson Martinez at Argentina’s Soledad Ayala (4-2, 4-3).
Samantala, Amit at Django Bustamante yumuko sa Fil-Canadian Alex Pagulayan at German Yvonne Hybler.