Advertisers
Marahil kaya matagumpay sa mundo ng chess ay dahil tatlo ang kanyang torre.
Ganyan natin ipinakilala si Eugene Torre, ang kauna’unahang grandmaster ng Asya. Siya ang espesyal na bisita natin sa OKS@DWBL noong Lunes.
Bukod sa piyesang 2 rook ay Torre pa apelyido ng Pinoy Legend. Lamang sa mga kalaban ang ngayo’y coach ng ating pambansang koponan.
Mahigit isang oras ang panayam natin kasama si katotong Lito Cinco.
Nagbigay siya ng mga komento hinggil sa mga kontrobersyal na personalidad sa kanyang sport tulad nina Wesley So, Florencio Campomanes, Boris Spasky, Anatoly Karpov, Victor Korchnoi at Bobby Fisher.
Pero ang kanyang opinion sa ganireng pahayag ni Robert Jaworski – Kung ayaw mong masaktan ay mag-chess ka na lang.
“ Tama naman si Jawo, physical game ang basketball at ang chess ay no contact na sport,” wika ng Ilonggo na 6 na taon pa lang ay natuto na ng ahedrez.
“Pero sa chess kailangan mo pa rin maging physically-fit bukod sa mental toughness,: dagdag ni Eugene na sa ika- 4 Nobyembre ay 74 anos na.
Sa susunod na pitak ay ang iba pang kwento tungkol sa guesting ni Torre sa OKS.
***
Sa mga limang laro ng Gilas ngayong taon ay 1-4 lang record nila. Karamihan pa sa talo ay tinambakan sila.
Ayon kay Tata Selo ay sa mga laban na ito ay wala lahat si Kai Sotto at hindi na dominating si JuneMar Fajardo.
Sabi ni Tatang ay kailangan ang matinding presence ng ating twin towers para magwagi.
Habang may injury pa si Sotto at patanda nang patanda si Fajardo ay dapat may dinidevelope na tayong iba.
Si Aj Edu ay mas maaasahan sa depensa samantalang si Japeth Aguilar ay may edad na rin. Mukhang ito ang magiging weakness ng Gilas sa mga susunod na torneo.
Batid naman yan ni Coach Tim Cone at nuong buong SBP pati PBA.
***
May bagong koponan sa ika-50th season ng PBA. Sakto sa pagdiriwang ng limang dekada ng kauna-unahang propesyunal na liga sa buong Asya.
Eka ng bagong may-ari ay hindi sila magiging farm team ninuman.
Nasa PBA raw sila para manalo. Na yun naman dapat layunin ng bawa’t isa.
Pero magiging pormal lang kung ma-aprub ng 2/3 ng Board of Governors.
Naalala tuloy ni Aling Barang na yan ding 2/3 ang bilang para ma-convict naman ng Senado si Sara D.. Pero kailan ba sisimulan ang trial SP Chizmiz?