NAGBABALA ANG MGA ABOGADO AT MGA SUPPORTER NG ATEACHER NOMINEE NA MAGSASAMPA NG MGA KASO LABAN SA MGA INDIBIDWAL NA SISIRA NG PANGALAN NI MS. RODRIGUEZ
Advertisers
ILANG abogado at tagasuporta ng ATEACHER nominee na si Virginia Rodriguez ay magsasampa ng mga kaso laban sa mga indibidwal na gagawa ng mga paninira laban sa kanya at sa kanyang pamilya
Ayon sa balitang nakalap, ilang grupo ng mga tao ang nagsasagawa ng smear campaign laban kay Ms. Rodriguez matapos na tumaas ang rating ng ATEACHER party list group sa numero uno, base sa mga surveys na isinagawa kamakailan.
Umapela ang mga abogado at tagasuporta ni Ms. Rodriguez sa publiko na i-report ang sinumang indibidwal o grupo ng mga taong sangkot upang sirain ang reputasyon ng ATEACHER party list nominee
Si Ms. Rodriguez, na siyang may-akda ng librong ” Leave Nobody Hungry ” ay may kakayahang pababain ang presyo ng mga produktong pang Agrakultura lalo na sa pagkain at para maiangat ang buhay ng bawat pamilyang Pilipino, partikular ang maliliit na magsasaka sa bansa.
Isang matagumpay na negosyante at pilantropo, ang isa sa mga nominee ng ATeacher Partylist na si Rodriguez ang nag-iisang party list nominee na nagsusulong para sa isang bansang cancer -free dahil sa pagtuklas ng mga bagong bitamina na ginawa niya kasama ng mga Filipino sciencetists at medical experts.
Gamit ang kaalaman sa paggawa ng mga organikong pataba, si Rodriguez ang tanging indibidwal na nagtataglay ng mga ideya na ibaba ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknik at makabagong teknolohiya sa paggawa ng mga produktong agrikultural.
Siya ay isang masipag at ulirang Ina at ina ng anim na bata at matatalinong kabataan, ang nag-iisang itinaguyod ni Rodriguez ang kayang pamilya para panatilihing matagumpay at magalang ang kanyang pamilya.
Nangako rin siya na maghain ng batas na tinatawag na “Leave Nobody Hungry” na magbibigay ng pagkain sa bawat pamilyang Pilipino at puksain ang malnutrisyon sa bansa at pangarap rin niyang mapangalagaan ang Bansa laban sa Cancer.