Advertisers
Ni Archie Liao
Isa na ring entrepreneur ang Kapuso actress na si Rhian Ramos.
Katunayan, masaya siya dahil selling like hotcakes ang kanyang cookies under her Bas Bakes brand.
“Actually, nagsimula lang siya bilang hobby. Then, it became something that I would make for my loved ones and closest friends,” pahayag niya.
Dahil marami raw ang nasarapan sa kanyang ginawang cookies, nagkaroon daw ito ng clamor.
“Since then, people have requested and ordered and bought these cookies…and I even get messaged about them on my social media platforms,” dugtong niya.
Sa pagdagsa raw ng orders, naisip niyang gawin na itong negosyo.
“So dahil sa demand, naisip ko. Why not ituloy na siyang business,” sey niya.
Kahit abala sa showbiz dahil sa kanyang mga proyekto, hindi raw naman siya nahihirapang i-manage ang kanyang oras.
“It’s a matter of time management,” pakli niya.
Natawa naman siya at isang pilyong ngiti ang naisagot niya nang maurot kung natikman na ng boyfriend at Manila City mayoralty candidate Sam Verzosa ang kanyang ‘cookie.’
“Hahaha!, Oo naman. Isa siya sa mga unang nakatikim,” sagot niya.
Meanwhile, happy naman si Rhian dahil may bago siyang lifestyle show na “When In Manila” sa GMA-7 na mapapanood na simula sa Marso 8, sa ganap na 11:30 ng umaga.
“Actually, na-miss ko ang hosting. I’ve been hosting lifestyle shows sa GMA dati na. Pero, iba ito,”hirit niya.
Dagdag pa niya, ‘hands-on’ daw siya sa mga topics at segments na tatalakayin sa show.
“Am glad to have a free hand. It’s actually another exciting show not only on food, travel and events,” sey niya.
Si Rhian ay dati nang naging host sa lifestyle infotainment show na “Taste Buddies.” Ilan sa mga programang ini-host niya ay ang interactive TV reality show na “Pinoy Idol Extra” at “Ïn The Limelight”, isang entertainment news broadcasting show.
Bukod sa kanyang bagong hosting stint, si Rhian ay magpapatakam ng kanyang baked cookies sa Bakery Fair 2025, isang biennial event ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na bukod sa isang trade show ay isang pagtitipon para mapaitaas pa ang antas at kalidad ng baking industry sa bansa.
Idaraos sa World Trade Center, Manila mula Marso 6 hanggang 8, ang event na dadaluhan ng industry leaders, baking professionals, suppliers, booth exhibitors at celebrities ay bukas sa publiko.
Malapit na ring mapanood si Rhian sa pelikulang “Unconditional” at sa upcoming Kapuso TV fantasy series na “Encantadia Chronicles: Sang’gre”.