Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HINDI aware ang publiko na nagka-dengue si Vice Ganda, kung hindi pa ibinisto ni Kim Chiu.
Sa noontime show nilang It’s Showtime, sinabi ni Kim na nagka-dengue ang Unkabogable Star.
Tawa lang nang tawa si Vice sa pambubuking sa kanya ni Kim dahil secret lang dapat ang pagkakasakit niya dahil wala naman siyang balak ipaalam ito sa publiko.
Pero hindi pa rin nagpapigil si Kim at itinuloy ang pagkukuwento. Sey ng aktres, talagang nag-report pa rin si Vice sa It’s Showtime kahit hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
Sabi pa niya sa kaibigang komedyante, mabuti na raw at okey na ito ngayon.
Natatawa namang sabi ni Vice, “At talagang in-out mo na nagka-dengue ako!” tawa ni Vice.
Hirit naman ng co-host nila sa programa na si Darren Espanto, dapat daw hanggang GC o group chat lang ang tungkol sa naging karamdaman ni Meme Vice.
Sa huli, nagbigay naman si Vice Ganda ng advice sa madlang pipol na mag-ingat at palaging ingatan ang kalusugan at siguruhing palaging hydrated para makaiwas sa anumang uri ng sakit.
At least si Vice kahit may dengue, pumasok pa rin sa It’s Showtime.
***
MAY takot na nararamdaman ang award-winning actress na si si Iza Calzado kapag naiisip niya ang pagpasok ng kanyang anak na si Deia Amihan sa mundo ng showbiz.
“Kasi hindi natin po mapipigilan ang anuman, ang baraha, ang pag-ikot ng mundo. And my prayer is that she does things with the lightness of being that I got from my father and that I have inside me. Despite the struggles, have that lightness of being,” dagdag pa ni Iza.