Advertisers

Advertisers

DAHIL SA KAIBIGAN… KRIS DUMALO NG PEOPLE OF THE YEAR 2025; MCCOY PINAGBANTAAN ANG BUHAY DAHIL SA BATANG QUIAPO

0 56

Advertisers

Ni Beth Gelena

FOR the longest time, ngayon lang uli nakita si Kris Aquino na nagpakita sa publiko na um-attend sa isang event.

Um-attend siya sa People Asia’s People of the Year 2025.



She was there para suportahan ang kaibigan niyang fashion designer na si Michael Leyva kung saan isa ito sa awardees.

Kasama rin ni Kris ang anak na si Bimby.

Nagpaunlak naman ang Queen of All Media ng maigsing interview sa mga press na naroroon.

Very apologetic siya sa mga ito na na-late siya ng dating.

Anjya, “I’m sorry we’re late, they had trouble waking me up ’cause we started new medicine last night.”



Habang kinukunan sila ng fotog, nirequest ni Leyva na alisin niya ang kanyang mask.

Pero tumanggi si Krissy, “hindi nga ako pwede magtanggal ng mask, papagalitan ako ng doctor ko.”

Sey ng QOAM, ang last public outing daw niya ay bago pa mag-pandemic lockdown na coincidentally ay February 25, ay isang iconic day for her family and the nation, as the country commemorates the EDSA People Power Revolution.

“I actually thought today was the 24th and tomorrow is 25. He (Michael) was the one who told me na tomorrow is the 25th. Ay perfect, what a perfect (day) to come out.” wika niya.

Esplika ng TV host kung bakit high praises at sobrang love niya ang fashion designer, “he is like a dad to Bimb and to Kuya (Josh).”

“He is more than just a friend. He is like the younger brother I never had. There are people who would say ‘I’ll be there for you’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways.”

Sa latest post ni Kris sa kanyang Instagram, hindi pa raw siya fit to work and is underweight.

She is still under treatment for auto immune diseases.

Tinanong siya kung ano ang kanyang pakiramdam, “not so okay”.

***

8 taon na ang celebrity couple
KHALIL AT GABBI LAGING MAY PANAHON SA SPECIAL OCASSION

LAST February 22 ay nag-celebrate ng kanilang 8th anniversary sina

Khalil Ramos at Gabbi Garcia as a couple with a 15-course meal na kanilang ibinahagi sa kanilang Instagram account at a roasting house in Alfonso, Cavite City.

Ang caption ng Kapuso aktres, “2.22 ?? 8 years of you, of us, of love that feels like home. We celebrated the way we always do—side by side, hearts full, plates fuller… and pants definitely tighter i love you and i love our relationship so much, @khalilramos ”

Pagbabahagi naman ni Khalil ang mga most memorable moments nila through the years.

Aniya, “Year 8 in 60 seconds ??A year to remember. Everywhere and everything with you my love!! Happy Anniversary I love you so mucho! @gabbi”

Last Valentine’s Day, shinare ng aktor kung papano nila napupunan ng time ang mga special ocassion tulad ng February 14 despite their hectic work schedule.

Like, busy si Khalil sa daily rehearsals ng upcoming new musical Liwanag Sa Dilim, while Gabbi is set to star in a new Kapuso drama series.

Lahad ng aktor, “I’ve been rehearsing everyday, so the musical has occupied my first quarter. Valentine’s was like an hour in a day. I got home from rehearsals, went straight to her house to give her flowers because I didn’t want her to bring it around taping the next day. I went to her taping the next day for lunch, then I went to rehearsals. Literally one hour per day lang kasi we’re so busy.” “We’re not complaining though. We’re super happy. But this year, we’re privileged enough to find time within our busy schedules to see each other pa rin.”

***

GUEST ni Ogie Diaz si McCoy De Leon sa kanilang YouTUbe Channel, ang Showbiz Update.

Sa programa ay emosyonal na kinuwento ng actor na ilang beses siyang naisalba ng anak na si Felize.

Aniya, dalawang pagkakataon nang nailigtas siya ng anak sa hindi inaasahang paraan.

Iyun umano ang naging dahilan upang ipagpatuloy pa ang buhay.

Ayaw daw niya lumaki na walang ama ang kanilang anak ni Elisse Joson.

Idinetalye ni McCoy ang pagkakataong sinarili na lamang niya ang problema at piniling mapag-isa.

Aminado siyang nakaisip kitilin ang sariling buhay, subalit nabago dahil lamang sa larawan ng kanyang anak. “Nasa edge na ako ng window, and sabi ko, ayoko na. Kasi di ko na maprotektahan ‘yung sarili ko din. Pa’no ko sasagipin yung sarili ko, hindi ako nagsasalita. Kinimkim ko,” pagbabahagi ng aktor.

“Ni-request ko lang na makita yung picture ng anak ko. Then after ‘nun, nung makita ko ‘yung picture ng anak ko, na-realize ko na from now on, kaya ko iko-continue ang life ko para sa baby ko.”

“Ayaw ko siyang lumaki na walang tatay,” naiiyak niyang nasabi.

Ayon pa kay McCoy, sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan, iniaalay niya ito para sa anak na si Felize na siyang dahilan para ipagdiwang niya ang biyaya ng buhay.

Sa kasalukuyan, siya ay isa sa mga pangunahing kontrabida sa FPJ’s Batang Quiapo, kung saan ginampanan niya ang papel ni David Dimaguiba, isang karakter na bagama’t kinaiinisan ng maraming sumusubaybay ay nagsisilbi parin itong patunay na pinaghuhusayan niya ang kanyang pagganap. Katunayan, nakakatanggap siya ng mga banta sa kanyang buhay.