Revival Ni Alex Gonzaga Ng 1997 Hit “Pasulyap-Sulyap,” May Kilig; Monet Lu Nag-Enjoy Sa Asian Tour Kasama Ng Mga Amiga
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
1997 nang sumikat ang “Pasulyap-Sulyap” ni Tootsie Guevarra. Ngayon, after 28 years ay ni-revive ng one of our Superstar Vloggers actress/comediane/singer na si Alex Gonzaga ang song na kinompos ni hitmaker Mr. Vehnee Saturno.
At mapapa-wow ka sa lakas ng dating ng said revival ni Alex na talaga namang nakakikilig! Nang kantahan nga ni Alex ng version niya ng Pasulyap-Sulyap ang husband na si Mikee Morada na tumatakbong Vice Mayor sa Lipa, ang halos kalahating milyon na crowd sa Main Concert ng matagumpay na Barako Fest 2025 sa Lipa, Batangas na organized by Mr. Bryan Diamante Dy, hiyawan, sigawan at nagtitilian talaga ang mga Batangueño sa magandang performance ni Alex. Kilig na kilig sila habang pinapanood ang mag-asawa.
Yes, muling pinatunayan ni Alex na mahusay rin siyang recording artist na patok lahat ang kanta. Major hit nito ang Chambe Chambe na nireleased 6 years ago, na humamig na ng 32 million views (still counting) sa Youtube at ang “Panaginip Lang” na may 12 million views sa YT. For sure papatok din itong bagong single ni Alex na Pasulyap-Sulyap under O/C Records ng showbiz couple na sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Mapapanood ang live performance ni Alex sa Official Youtube Channel ng O/C Records.
***
ANG original plan na bakasyon ngayong 2025 ng famous Mother of Celebrity and Beauty Queens sa Hollywood, California na si Monet Lu ay mag-European tour sila ng kanyang pamangkin, kaso nagka-problema ito sa kanyang passport.
Kaya minabuti na lang ni Monet na mag-Asian tour kasama ng kanyang mga Amiga. And his first destination is Bangkok, Thailand. At sobra nitong na-enjoy ang pag-iikot sa town city ng Bangkok at pagsa-shopping and dine-in sa mga kilalang Resto roon. After Bangkok, fly naman ng Indonesia ang mabait naming Salon owner friend na itinuturing ko na hulog ng langit sa akin. Binisita at namasyal si Monet sa ilang tourist spots sa nasabing bansa at mababait daw ang mga tao rito tulad sa Bangkok, ayon pa kay Monet.
And his last stop ay Pilipinas. Actually, yearly ay nasa Pinas talaga si Monet at naikot na nito ang halos lahat ng bansa sa mundo. Pero for him, mas pinaka gusto niya magbakasyon sa Pinas at super dami ng kanyang mga friend na celebrity and beauty queen dito. Yes, close si Monet sa Gutierrez family, kina Tita Annabelle, Tito Eddie at Ruffa. Also, Richard Gomez na nakakatabi pa noon sa pagtulog ni Monet ng walang malisya at anak ang turing sa nagsisimula pa lang noon sa showbiz na actor na ngayon ay isa nang politician at Mayor sa Ormoc City. Iniinvite nga siya ni Goma na bisitahin niya ito sa Ormoc. Isa rin sa longtime Bff ni Monet ay si Vilma Santos at nagkausap na sila at isa sa mga araw na ito ay magkikita sila ng Star for All Seasons.
Si Monet ang number one supporter ni Ate Vi sa US lalo na kapag may pelikula itong ipapalabas sa Amerika. Pino-promote talaga ni Monet si Ate Vi sa Pinoy community para panoorin ang kanyang movie. Ibinalita rin ni Monet sa amin na gagawaran ng Lifetime Achievement Award si Ate Vi sa Manila International Film Festival this March 7 sa Beverly Hilton, Beverly Hills. Kasama rin sa pararangalan ang ilan pang showbiz personalities. By the way, maswerte rin kami ng friend kong si Pete Ampoloquio, Jr at everytime na nasa bansa si Monet, he always remember us. At nagbibigay siya ng time para i-treat kami sa isa sa favorite niyang expensive famous resto sa Eastwood Mall na MANAM, na katabi lang mismo ng kanyang pag-aaring condo na may condo unit rin ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon. Aside sa blowout ni Monet sa amin ay may fabulous pakimkim (always naman) pa ito sa aming dalawa ni Pete. At isa rin siya sa pinaka supportive naming Ayuda Angel sa Vlogs ko at Vlogs ni Pete sa aming mga Youtube channel.
One week pa mag-i-stay sa bansa si Monet, and then fly na siya uli pabalik ng San Francisco, California kung saan naroroon ang ilang dekada nang sikat na pag-aaring MONET LU SALON na nasa harapan lang ng MAMI KING sa Hollywood, California, USA.