Advertisers

Advertisers

SEN. TOLENTINO MAGIGING PATAS AT MAY LAYUNIN NA MAKAKAMIT ANG TAMANG HUSTISYA SA NAKAHAING IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VP SARA

0 9

Advertisers

TINIYAK ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na handa niyang gampanan ang kanyang tungkulin na sumulat ng “Senate Rules on Impeachment” na magiging panuntunan sa gagawing paglilitis sa nakahaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang pahayag sa harap ng mga opisyal ng Liga ng mga Barangay Zamboanga Chapter na ginanap sa Grand West Side Hotel sa Paranaque City noong Huwebes, Pebrero 27,2025, hiniling niya sa mga ito na tulungan siya, sa pamamagitan ng kanilang dasal, na magkaroon ng sapat na lakas ng loob na makapagsulat ng wastong dokumento na magiging patas, parehas, at may layunin na makakamit ang tamang hustisya.

“Even without my liking and acceptance, I will be placed in a position which probably would require inspiration and courage, coming from you,” pahayag pa ng Senador sa mga opisyal ng barangay.



Ayon kay Tolentino, bagamat mabigat sa kanyang damdamin ang impeachment dahil makakahati sa ating bansa pero kung hindi naman nito gagawin ay parang tinalikuran niya ang kanyang sinumpaang tungkulin bilang mambabatas.

Dagdag pa, bilang isa aniyang abogado, madali lang para sa kanya ang gumawa ng dokumento, kahit ngayon o bukas, subalit ang ganito aniyang panuntunan ay gagawin niya ng mabigat sa kanyang kalooban kaya kinakailangan niya muna ang taimtim na pagdarasal bago niya ito likhain.

Si Tolentino, bilang Majority Leader ng Senado ang siya rin dapat na mamuno, bilang tradisyon sa Senado,,sa Committee on Rules na naatasang gumawa ng mga panuntunan at tumulong, lumikha, makipag-ayos, at dumepensa sa mga programang pang-legislatura. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">