Advertisers

Advertisers

TRILLANES, LAMPASO SA CALOOCAN; MALAPITAN, NANGUNGUNA PA RIN SA SURVEY

0 866

Advertisers

Muling nagtala ng mataas at positibong net trust rating si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan bago ang 2025 Local Elections sa darating na Mayo, ayon sa pinakabagong survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Para sa buwan ng Oktubre 2024 at Pebrero 2025, nakakuha si Malapitan ng plus 75 net trust rating, na sinasabing dulot ng mahusay at kumpletong programang ipinatupad ng kanyang administrasyon upang mas paunlarin ang estado ng kalusugan, kaligtasan, kabuhayan, edukasyon, at imprastraktura sa lungsod.



Sa kabilang panig, patuloy namang nakakaranas ng pagbaba sa net trust ratings ang kanyang katunggali na si dating Senador Antonio Trillanes IV, na nakakuha ng negative 10 rating noong Oktubre na bumagsak pa sa negative 22 para sa Pebrero 2025.

Ang resulta ng mga nasabing survey ay maaari pang magpatuloy sa mga susunod na buwan hanggang sa araw ng eleksyon, dahil na rin sa malakas na pagtitiwala ng mga taga-Caloocan sa kakayahan ng administrasyon ni Malapitan na ipagpatuloy ang kanyang magandang nasimulan at dalhin ang lungsod sa tamang direksyon.