Advertisers
Isang Memorandum of Agreement Signing ang isinagawa kahapon sa launching ng Philippine Modernization Consortium sa Marriott Hotel sa Pasay City.
Pinangunahan ito ni LCCAD Holdings Corporation President & CEO Nong Rangasa, Presidente ng Holdunn Group of Companies Bahamas na si Brendan Holt Dunn, at President and CEO ng T2 PINANS Consulting Inc. na si Jose Reyes.
Ang Consortium Agreement Ceremony ay dinaluhan at sinaksihan ng mga opisyal at kinatawan mula sa business sectors at ahensya ng pamahalaan na naglalayong magtaguyod ng pakikipagsosyo at kalakalan sa gobal business leaders.
Ang hakbang na ito ay tugon at pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya at business leaders sa panawagan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang panatilihin at lalong palakasin pa ang sektor agrikultura, digital connectivity, renewable energy at climate-resilient infrastructure.