Advertisers
TUNAY na malakas ang nagbabalik-pinuno ng Lungsod Maynila na si Yorme Isko Moreno.
Di pa nga nagsisimula ang pormal na kampanya para sa lokal na aspeto ng midterm election na gaganapin sa Mayo ay milya-milya na ang agwat niya sa mga katunggali ayon sa pulso ng Manileños na dinadasal ang kanyang pababalik upang sagipin ang kabisera ng bansa sa muling pagkasadlak dahil sa kapabayaan.
Anumang fake news o masamang propaganda ang ibato sa naging pinakatanyag na alkalde ng Maynila ay di na ito matitinag dahìl sa lakas ng memorya ng kanyang constituents kung paano niya ibinalik ang halina, rikit, samyo at tatag ng Maynila sa maikling panahon bago siya pumalaot sa nasyunal na aspeto ng pulitika.
Maraming nadismayang Manileños nang nagpasyang iwan ni Yorme ang Maynila at ibinilin sa pinagkatiwalang partner ang pamamahala sa Maynila.
Na-miss nang husto ng Manileños si Yorme na umabot ng tatlong taon ang kanilang inaasam na pagbabalik ng tanyag na alkalde.
Kaya kahit anong hila pababa ng mga kalaban ni Yorme ay wa epek dahil sa lakas ng kapit ng hatak pataas ng mga Manilenyong nasubukan ang kanyang pagiging mahusay na pinuno.
Wish lang nila huwag nang iiwan. ni Mayor Isko ang Maynila at ayon nga ke pareko Genio..
ISKOMISKO..
MISMO!
Lowcut. Special shoutout kay kaisport na Jayvan Tapit Mesa ,ang masipag,maaasahan at magalang na kawani ng 1Puhunan sa Upper Bicutan Taguig City. Ang kumpanyang kanyang pinaglilingkuran ang isa sa pinagkakatiwalaan ng bayan sa aspeto ng pamumuhunan na nakatutulong sa mga entrepreneurs para mapaangat ang malaki man o small scale na negosyo.Ang 1Puhunan ang legit na partner sa hanapbuhay..
MABUHAY!