Advertisers
NAKAMIT ni Filipino legend at Hall of Famer Francisco “Django” Bustamante ang back-to-back championship titles sa Las Vegas, USA.
Sariwa pa ang kanyang panalo sa 29th Annual Jay Swanson Memorial, kung saan naungusan niya si Can Salim ng Germany sa nakakagigil na 11-9 final, ang 61-year-old icon ay dinomina ang Predator One Pocket Showdown, nakupo ang korona sa mahirap na pinaglaban 5-3 wagi kontra American Tony Chohan at inuwi ang $10,000 top prize.-
Gayunpaman, sa Las Vegas Open,nakatagpo si Bustamante ng setback, nabigo sa kapwa veteran Ralf Souquet ng Germany, 0-2, matapos magtagumpay sa kanyang opening match laban sa American Bobby Garza, 2-0.
Samantala, Bustamante at World Women’s Champion Rubilen Amit ay maagang nag exit sa mixed doubles’ competition, nabigo 2-4 sa Korean duo nina Hojun Kwon at Harin Lee.
Sa ibang aksyon, dinaig ni Jeffrey De Luna ang kapwa Filipino Roberto Gomez,4-1, 4-3, 4-3, para makakuha ng spot sa semifinals ng Las Vegas Men’s Open.