Advertisers

Advertisers

“Kalinga sa Maynila:City Hall on the Go” rarampa sa San Andres

0 26

Advertisers

GOOD news para sa mga residente ng ika-limang distrito ng Maynila

Inaanyayahan ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng taga 5th district ng Maynila na samantalahin ang mas pinalawak na libreng serbisyo ng kanyang flagship service program, “KALINGA SA MAYNILA: CITY HALL ON THE GO,” sa pagrampa nito sa San Andres Bukid , Malate, Manila.

Sinabi ng alkalde na mula alas- 7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Biyernes February 28, 2025, ang nasabing programa ay gaganapin sa sa Mabuhay Street , Brgy. 782 , San Andres Bukid.



“Ang mga serbisyo ng Manila City Hall, ngayon ay mas abot na ng lahat sa ating Kalinga sa Maynila: City Hall on the Go. Walang bayad at bukas para sa lahat ang service fair na ito. Kaya’t tara na at kita-kits sa Biyernes!,” saad ni Lacuna.

Nitong Miyerkules ang nasabing service fair ay ginawa na rin sa kanto ng Benita at Fernandez Streets sa ikalawang distrito ng Tondo.

Sinabi ng lady mayor na Ang mga libreng serbisyo na available tuwing may fair ay kinabibilangan ng health and social welfare assistance; application para sa bago at replacement o renewal ng senior citizens’ IDs Kasama na rin ang solo parents at persons with disability, civil registry, provision of jobs, medical check-up at maging pangangalaga sa mga alagang hayup katulad ng pagbabakuna.

Ang iba pang serbisyo na ipinagkakaloob ng libre ay ang dental extraction/fluoride services, reading glasses, medicines, massage, haircut at pati na ang TESDA training. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">