Advertisers
Ipinaaresto ng Manila Regional Trial Court (MRTC) ang dalawang mataas na opisyal ng Manila LGU sa kasong paglabag sa anti graft law.
Sa inilabas na Order ni Judge Edilu P. Hayag ang Presiding Judge ng MRTC Branch 26, kabilang sa pinadarakip ang mga respondent na sina Charlie DJ Dungo, head ng Department of Tourism, Culture and Arts; at administrative officer Robert Steven Q. Principe.
Ayon sa kautusan ng hukom, kinasuhan ang dalawa nang paglabag sa Section 3 (e) ng Republic Act 3019 o anti graft and corrupt practices act na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy.
Matapos ang evaluation sa mga ebidensiyang nakasumite sa Korte, sinabi ng hukom na may sapat na probable cause upang ikulong ang mg akusado.
Dahil dito, naglabas ng warrant of arrest si Judge Hayag para sa ikadarakip ng dalawang akusado.
Samantala, kinumpirma ni Atty. Princess Abante, spokesperson ni Mania Mayor Honey Lacuna na nakapagpiyansa na sina Dungo at Principe.
Sinabi rin ni Atty. Princess na ayon kay Dungo maghahain din sila ng petition for review na kumukwestyon sa findings ng probbale cause dahil ang reklamo umano ay ibinasura na noon pang 2024.(Jocelyn Domenden)