Advertisers

Advertisers

HABANG UMIINIT LALONG SUMASARAP

0 22

Advertisers

NOONG Martes, itinalaga bilang Undersecretary ng Presidential Communications Group si Atty. Claire Castro. Sa umpisa pa lang hindi nag atubili si Usec Claire na agarang lumusong sa trabaho. Kilala si Usec Claire sa pagiging kritiko at hard-hitter. Bilang mamamahayag, hindi siya tumatalikod sa anumang isyu.

Ngayon. tumatayo siya bilang mata at tinig ng pangulo. Siya ngayon ang nagsisilbing tinig ng Malacañan at pangunahing boses ng administrasyon sa bansa. Nagmistulang “musical chairs” dahil pangatlong pagkatalaga ng Malacañan sa posisyon ng spokesperson ng Presidential Communications Office, at ang pagganap ng naturang posisyon ay pagsubok dahil hindi lang siya trompa; kalasag siya lalo na sa mga kasalukuyang isyu katulad ng impeachment at pakikialam ng mga elemento sa pamamahala katulad ng INC.

Sa opinyon ko, maraming pagsubok ang haharapin ni Usec Claire. Ngunit mataas ang kumpiyansa ng mamamahayag na ito na gagampanan niya ang tungkulin ng maayos. Bumilib ako sa ipinakitang tapang ni Usec Claire sa unang press briefing noong Martes. Hindi siya nagpatumpik-tumpik at agarang sinagot ang mga tanong mula sa media ng buong tapang.



Mukhang sanay humarap sa maiinit na isyu itong si Usec Claire ngunit sa umpisa pa lang, ipinakita niya na sanay sa init at hindi takot sa apoy. Napakaaga pa ngunit hindi biro ang init ng apoy na kinakaharap na “musical chairs” na ito. Sabi nga ng masungit na kusinera ng lola ko habang iniinit ang afritada, nanunuot ang sarap nito. Malalaman natin kung makukulob ang init at mapapanis. Sapantaha ko, may dalang suka ang rekado ni Usec Claire. Suka at asim na kailangan sa ikatatagal niya.

***

MAY nasakoteng na namang dalawang tsino kasama ang dalawang alalay nitong Pilipino na nagmamanman sa mga kampo militar. Ito ay kumpirmasyon na ang mga pulahang tsino ng pla ay patuloy na nagmamanman, patuloy na inilalagay ang seguridad ng bansa sa alanganin. Unti-unting nagkakaroon ng pagtulak laban sa panghihimasok ng pulahang tsina.

Napapansin ng maliit na kolumnistang ito na ang pusisyon ng Katihan kasama ang mga mamamayan ay nagreresulta sa isang pagsanib na ngayon ay napapansin sa mga karatig-bansa. Ang pagsasanib na ito ay nagresulta din ng mga pagsasanay at palitan ng kaalaman sa pagitan ng mga bansang kumokontra sa agresyon ng pulahang tsina at kanilang pla. Sa umpisa pa lang tutol na tutol ako sa ginagawa ng tsina.

Nakalulungkot na may mga kasapakat sila na tao katulad ng pulitikong oportunista at mga taong nasisilaw sa kinang ng pilak. Ang mga taong ito ang tunay na kalaban, mga taong ipagkakanulo ang bansa. Habang tumatagal nagiging mapanganib ang estratehiya nila sa atin. Gumagamit sila ng mga bagong paraan at kagamitan tulad ng social media na bumibilog sa ulo ng madla upang magulo ang ating kaisipan at pagninilay.



Nararapat na maging mapagmatyag, mapanuri at maagap. Ang mga kaaway ay nakaabat, patuloy na nagmamatyag. Sa mga nagaganap ngayon dapat mag atubili manatili sa pagtulak. Kasihan nawa tayo ni Poong Kabunian at Mabuhay ang Republika ng Pilipinas!!!

***

Wika Alamin:

KALUBAN-

Na pinaglalagyan ng itak o tabak na malimit gawa sa kahoy o balat. Sa wikang Ingles ang tawag dito ay SCABBARD o SHEATH. Kapag ginamit sa salita: “Nilabas ng magsasaka ang tabak mula sa kanyang kaluban upang gapasin ang masukal na talahib”.

***

mackoyv@gmail.com