Advertisers

Advertisers

Jillian inimbita sa b-day celeb ang nakaalitang si Sofia

0 17

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MAS naging mature na ngayon ang pananaw sa buhay ni Jillian Ward matapos magkaroon ng chance na makapag-reflect.

Sabi ni Jillian,“Recently po kasi napansin ko ang daming nagkakasakit, even myself, so nagkaroon ako ng time to contemplate about life.



“Nag-self-reflect ako, sabi ko, ‘Life is so short’. Gusto ko mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong nasa buhay ko, mga taong sumuporta sa ‘kin or nagbigay sa ‘kin ng experiences.

“Kasi sobrang hindi mo po alam kung anong mangyayari sa buhay mo.”

Ayon pa kay Jillian, lahat ng mga friends at nakatrabaho niya sa mga ginawa niyang acting projects nitong mga nagdaang taon ay inimbitahan niya nung ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan kamakailan, pati na ang naging co-star niya noon sa Prima Donnas na si Sofia Pablo.

Matatandaang nabalita noon na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Jillian at Sofia na nakaapekto sa kanilang friendship.

“Yeah, I invited everyone na naka-work ko. In-invite ko lahat, yes, everyone. Kasi gusto ko talaga na lahat ng naka-work ko, lahat ng kumbaga, nakilala ko e makapunta sila kasi para sa’kin, na-realize ko, life is an experience lang po talaga e.



“We’re meant to experience life, and we’re meant to appreciate people na dumating sa buhay natin,” aniya pa.

At sa tanong kung handa na ba siyang magkaroon ng lovelife ngayong 20 na siya, lalo pa’t nali-link siya ngayon sa Mga Batang Riles actor na si Raheel Bhyria.

“Feeling ko po talaga dalaga na ‘ko kasi ganu’n po talaga, may nag-aaya na po sa ‘kin, tapos may mga nagreregalo, ganyan. Ewan ko! Ha-hahaha!” natatawang sagot ni Jillian.

“Ewan ko po sa kaniya (Raheel), pero nagdala po siya ng flowers, nag-usap lang kami, kumain lang kami, so ayun. Ewan ko diyan!?”

***

PAPASUKIN na rin ni Neil Coleta ang pulitika. Tumatakbo siya bilang konsehal sa Dasmariñas, Cavite. Ito ang dahilan ng pagkawala ng karakter niya sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin.

May grupo si Neil na tinawag na F4 o Fantastic Four ng Dasmariñas, na ang mga kasama niya ay sina sina former basketball player-paralegal Tutuy Perez, school-owner Arnel del Rosario at former kagawad Vladimir Maliksi, kung saan ay tumatakbo rin ang mga ito bilang mga independent candidates sa pagka-konsehal sa nasabing siyudad.

Ayon kay Neil, siya mismo ang nakaisip sa itatawag sa kanilang grupo. At kaya F-4, since apat sila, at sikat ang F4 at napag-usapan nga uli dahil sa pagkamatay ni Barbie Hsu, na leading lady ng mga ito sa Meteor Garden.

First time ni Neil na sumabak sa pulitika. Matagal na raw siyang inaalok na tumakbong kagawad at kapitan sa Dasma pero busy siya noon at ayaw naman daw niyang mauupo siya sa puwesto pero ‘di naman niya matututukan.

Ngayon daw ang right timing at 101% ready na siya at umaasa siyang pagkakatiwalaan ng kanyang mga kababayan sa Dasma.

Kung papalaring manalo, ang turismo sa Dasmarinas ang gusto niyang isulong. Marami siyang naiiisip na gustong gawin para sa turismo ng kanilang lalawigan para mas makilala ito at dayuhin mg mga turista.

Ang Dasmarinas ay kilala sa Paru-paro Festival. Balak ni Neil na isama ang mga kaibigang artista tulad nina Coco Martin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at marami pang iba basta available raw ang mga ito para mapanood/ma-experience ang ipinagmamalaki nilang Paru-paro festival .

Natutuwa ang F-4 dahi base sa survey ay pumapasok sila sa mga gustong iboto ng mga taga-Dasmarinas Cavite, kahit pa mga independent candidates sila.

Sana nga ay mabigyan ng chance na manalo bilang mga konsehal sina Neil, Tutuy, Arnel at Vlad, dahil naniniwala kaming maganda at epektibong seribisyo ang talagang ihahatid nila sa Dasmarinas, Cavite.