Advertisers
Ni Beth Gelena
NALUNGKOT si Bela Padilla sa viral video ng lalaking di makalakad sa sidewalk.
Sa Instagram ng aktres ni-repost niya ang video mula sa @makoy2618.
Aniya, Filipinos love ‘making light of things’ but in fact, the video is not funny.
“Bw*sit na yan… yung naglalakad ka na nga lang, na-traffic ka pa… yawaaaa…”
Isang mama kasi ang tatawid sa sidewalk pero hindi makaraan dahil may naka-block na mga motorcycled sa sidewalk.
Maging ang netizens ay nagreak at nagtataka sila kung bakit walang enforcers na dapat magpa-alis sa mga nakaharang sa daraanan ng mga tao.
***
XIAN PINANINDIGAN HINDI FAKE NEWS ANG KATHNIEL
HOW true na nagkabalikan na ang reel and real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Bernardo.
Ayon sa Pambansang Marites na si Xian Gaza na may “Reconciliation” nang nangyari sa celebrity couple.
Kamakailan, muling nakaagaw ng atensyon si Gaza sa online community, lalo na sa fans ng KathNiel.
Aniya, 99 percent umano na kumpirmadong nagkabalikan na sina Kathryn at Daniel.
After that intriguing post, nagbahagi naman ng statement ang mommy ni Kath na si Mommy Min na huwag agad-agad naniniwala sa fake news.
Pinangatawanan ni Xian ang kanyang sinabi.
Aniya pa, marami raw ang nakakakita sa dalawa talking to each other backstage and in the dressing room, like hairstylists and other celebrities.
“Off work, may mga lihim na pagtatagpo ang everything else, dami,” ani Xian.
“Talagang nagkaayos na sila, that’s confirmed.”
Sinabi pa niyang hindi iyun fake news.
“Baka bigla akong mag-upload ng video dito at hindi mo kayanin mother,” patungkol niya sa ina ng aktres.
Anyway, wala pa naman sigurong “balikan” na nangyayari sa ex couple.
Ang kinukumpirma lang siguro ng Pambansang Marites ay nagkakasundo nang mag-usap ang dalawa unlike noon na nag-iiwasan sila kapag parehong nasa iisang event.
***
BINA-bash ngayon ang winning actress na si Nadine Lustre dahil sa pag-eendorso niya sa isang partylist.
Aniya sa kanyang IG Stories post, “Hindi kailangan ng bayad kung para sa ikabubuti ng bayan. Ang tunay na paglilingkod hindi nabibili.”
Sey ng commenter: “lahat may bayad iba’t ibang paraan lang.”
“Tell it to the marines Nadine!”
“I love you Nadine but quite disappointed.”
“Kung hanggang ngayon DDS at Apologist ka pa rin kumuha ka na ng PWD kapansanan yan”
“Pwd nila person with distemper”
“Ang aasim nung mga I love you Nadine but NO hahaha real talk”
Himutok naman ng isang netizen,
“Remember Nadz nagendorse ka kay Leni, talo pa rin. Same here din. I love you but mayaman ka kasi d mo alam ang mga nangyayari. OFW ako at taga probinsiya grabe ang epekto ng Duterte Admin sa amin kaya Nooooo”
“Real talk. Sarili mo nga kaibigan di mo alam inahas ka na kay james reid nakipag wine toast ka pa kay yssa pressman yan pa kaya kay delima ano alam@mo”
“At di ka nakinig sa netizens may nagvideo na sweet sila n issa at james khit andun ka that time. Bat kami makikinig sa yo ngayon?”
“Maghubadera ka na lang Nadine kesa mngealam sa pulitika”
“My goodness Nadine, we are a such a fan of yours but you picking de lima for her partylist.. Come on!” You can do better”.