Advertisers

Advertisers

KC lovelife na lang ang kulang, aprub na nakipagbalikan sa ex

0 8

Advertisers

Ni Archie Liao

AFTER ng breakup ni KC Concepcion sa kanyang Swiss-Filipino boyfriend, may sumulpot namang tsika na nakipagbalikan umano ang aktres sa kanyang ex na si Aly Borromeo.

Sa kanya kasing IG story, nagbahagi ang athlete ng isang litrato na kasama ang isang girl na ang fez ay itinago ng heart image.



Tunog tuloy ng mga marisol, ang girl ay walang iba kundi ang panganay ng Megastar na si KC.

Ito ang hirit ng kibitzers.

“Happy for them. Hope forever na sila.”

“So, nagkabalikan sila?”

“Bagay sila.”



“Parang di naman si KC iyong ghurl.”

“Bakit, kinilig ako?”

“Another chance.”

“Meant to be.”

“Nag-reconcile sila. Why not?”

“Both deserve to be happy.”

“Good for KC. Actually lovelife na lang ang kulang sa kanya.”

“Whatever happened to the Swiss guy that she dated?”

“Break na sila.”

“Love is lovelier the second time around.”

***

Grounded: The Opera, ipalalabas sa Glorietta 4

PARA sa mga opera aficionados, pagkakataon ninyo nang mapanood ang markadong opera na “Grounded.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng CCP The Met: Live in HD, ay inihahandog ang nasabing obra ni Jeanine Tesori.

Halaw sa libretto na may kaparehong titulo, ang Grounded ay tumatalakay sa kuwento ni Jess, isang piloto at ang pakikibaka sa drone warfare.

Mula sa baton ng critically acclaimed conductors Steven Osgood and Yannick Nézet-Séguin, mapapanood na ang opera sa Glorietta 4, Cinema 1, Makati sa ganap na alas-5:30 ng hapon.