Advertisers

Advertisers

MAYNILA MAGKAKARON NA NG EMERGENCY MEDICAL HOTLINE – ISKO

0 378

Advertisers

MAGKAKARON na ng emergency medical hotline na puwedeng tawagan 24/7 nang lahat ng mga nangangailangan ng atensyong medikal, sa oras na ang bagong biniling 12 high-tech na ambulansya ng pamahalaang lokal ay maaari ng gamitin

Ito ang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na nagsabing ang mga doktor at nars ay sumasailalim na sa pagsasanay kung paano i-operate ang makabagong ambulansya upang higit pang makapagsalba ng buhay.

“Alay namin ang lahat ng ‘yan sa mga Batang Maynila lalo ngayong kasagsagan ng pandemya. We are now training the drivers and the staff for the new ambulances, who will be operating the high-tech equipments inside, because you deserve better,” ayon sa alkalde.



Ang biniling 12 bagong ambulansya sa Amerika na fully equipped ng mga life support equipment ay pangarap na niya at ni Vice Mayor Honey Lacuna bago pa sila maupo sa puwesto.

“Pangarap namin ito nung di pa kami nakapwesto— an honest to goodness, upscale ambulance assistance para sa mga Batang Maynila na puwedeng magamit ng mahirap, middle class at mayaman,” sabi pa ni Moreno.

Sinabi pa ng alkalde na siya at ng kanyang bise alkalde ay desididong palakasin ang kakayahang medikal ng lungsod dahil aniya mahalaga ang malusog na populasyon bilang pangunahing pangangailangan ng lungsod at mamamayan upang umunlad.

Ang anim na ambulansya ay itatalaga sa bawat isang city-run hospitals kada distrito habang ang anim na natitira ay sa tanggapan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMP) sa ilalim ni Arnel Angeles.

Samantala, pinasalamatan ni Moreno ang lahat ng barangay chairman na sumunod sa pagdaraos ng ‘Simbang Gabi’ sa mga open spaces gaya ng ginagawa ng pamahalaang lungsod.j



Ito, ayon sa alkalde ay hindi lamang tumutugon sa tamang physical distancing kundi nababawasan pa ang tsansang mahawa sa covid-19, hindi tulad ng pagsasagawa ng misa sa mga enclosed space. Nakatulong din itong mabawasan ang bilang ng dami ng taong aktwal na pupunta ng simbahan para sa 9-araw na Novenario ng Simbang Gabi. (ANDI GARCIA)