Advertisers
Good am po. Nagpi-fixer na naman po ang mga kamag-anak ni Mayor Calixto sa Pasay Traffic. “CSDV”. Makikita niyo kung sino mga hindi naka-uniform at iniba ang diskarte sa umaga at hapon, sa mga parking boys pinapaabot sa kanila para hindi halata. Pero makikita niyo sa FB mga post nila na hindi kayang bilhin ng pangkaraniwan na empleyado ng gobyerno. Nagtataka po kami kung bakit ganon sila katalamak mag-fixer. Dahil siguro marami silang kapit sa taas. – Concerned citizen
Benepisyaryo ng SAP binawasan
ng tig-P50 sa Marikina City
SA KINAUUKULAN AT SA KAGAWARAN NG DSWD SEC. BAUTISTA, PDU30 AT MAYOR MARCELINO TEODORO NG MARIKINA CITY. SA GINAWANG PAGBIBIGAY NG IKALAWANG BUGSO NG SAP (SOCIAL AMELIORATION PRPOGRAM) DYAN SA MARIKINA INTEGRATED SCHOOL CONCEPCION NA GINANAP NITONG DEC. 20, 2020 BANDANG 8:00 NG UMAGA. MARAMING PAMILYA ANG NABIYAYAAN NG HALAGANG P8,000TOUSAND BAWAT ISA. SA DAMI NG CLAIMANT, ISA NA ANG INYONG LINGKOD. AKO AY NAGTATAKA AT NAGULAT SA TINURAN NG TAGA- DSWD NA TILA MGA ESTUDYANTE. ANG NATURANG HALAGA AY BINAWASAN NG 50 PESOS NA PARA RDAW SA KOMPANYA NG SSR. AYON SA WINIKA NG NAGBIGAY NG AYUDA.
MGA SIR, PAKI PALIWANAG NGA SA BENEPISYARYO KUNG PARA SAAN ANG 50 PESOS. KASI SA AKING PANANAW MALAKI -LAKI ANG HALAGANG NALIKOM SA MGA TAONG KUMUHA NG SECOND TRUST NG SAP. MAHAL NA PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE PAKIIMBISTIGAHAN NGA KUNG PARA SAAN ANG 50 PESOS NA BINAYAD NG MGA BENEPISARYO. – MATA NG LANSANGAN