Advertisers
PINALAWIG ng front-running Cleveland Cavaliers ang kanilang winning streak sa eight games sa iskor na 122-82 paghataw sa Orlando Magic Martes ng gabi sa Kia Center (Miyerkyles Manila time).
Pinamunuan ni Ty Jerome ang opensiba ng Cleveland sa iniskor na 20 points sa 21 minutong aksyon.habang si Max Strus pumukol ng limang 3-pointers at nagtapos ng 17 points.
Dahil sa blowout win ay umangat ang Cavs sa league-best-48-10 rekord sa season, sa kabila ng si Donovan Mitchell ay nalimitahan sa 11 points.
“We move it quickly, we move it quickly up the floor in transition, make quick decisions, everyone touches it — it is a fun style of play,” Wika ni Cavs head coach Kenny Atkinson.
Samantala, ang Boston Celtics na nakabuntot sa likuran ng Cleveland sa East, ay kinuha ang kanilang sariling winning streak sa six games sa iskor na 111-101 wagi laban sa Toronto Raptors.
Jaylen Brown umiskor ng 24 points at Derrick White nagdagdag ng 22, habang si Payton Prichard may 20 points at Jayson Tatum nagtala ng 19 points, at 11 assists para sa Celtics.
Hindi naglaro si Brown sa final three minutes of the game nahirapan sa kanyang injury sa kaliwang hita.
Ang Celtics ay dating nang wala sina Kristaps Porzingis may karmdaman habang si Jrue Holiday nagpahinga, Luke Kornet ay absent dahil sa personal reasons at Al Horford ay may sore big toe.