Advertisers
NASA balag ng alanganin o tagilid nga ba ang lagay ng GILAS PILIPINAS sa hamon ng FIBA ASIA CUP na gaganapin sa Saudi Arabia, Agosto 2025?
Pasok na ang national team GILAS sa FIBA ASIA CUP QUALIFIERS kaya nariyan lang ang malaking tsansa. Non-bearing man masasabi ang nagdaang games kung saan three (3 ) consecutive losses ang natamo ng koponan, hitik sa komento ang social.media sa sitwasyon ng team.
Malinaw na hirap ang koponan minus 7″3′ KAI SOTTO na mukha ng team sa nagdaang qualifying games. Hindi basta hahanap ng replacement sa ganito ka-powerful cager na popular sa ardent wish maging first pure Filipino blood cager to step on as NBA player. Pambato na sa defense, lay up, rebounds at shooting, genius athlete na bihira sa pambihirang height, at aminado si winningest/champion coach TIM CONE na malayo ang mararating ni KAI.
Injured, naoperahan sa ACL at required magpagaling for one (1) year, missing piece si KAI para sa patuloy na panalo ng GILAS. Obvious na pinaghahandaan ng foreign teams ang GILAS para talunin lalo at wala sa hard court ang big man na ikinatalo ng team vs Doha Qatar, Chinese Taipei at New Zealand kahit non- beating games.
May suggestions pa ng rebuild o revamp para sa GILAS, pero mas makabubuti nga siguro na tutukan ang practice at suporta sa team, especially from PBA and sponsors. Let’s wish and pray na makayanan nila ang pag-alagwa sa laban. Go GILAS! Go Coach TIM CONE!
NATIONAL ARTS MONTH ANG PEBRERO
NAGPUPUGAY ang mga ahensiyang tutok sa Arts. Masidhing pagbati ang ipinaabot nila sa idinaos na 127th Birth Anniversary ni 2009 Pampansang Alagad ng Singing sa Panitikan/National Artist for Philippine Literature LAZARO ANGELES FRANCISCO (1898-1980), isinilang sa Orani, Bataan, lumaki sa Cabanatuan, Nueva Ecija at kinilalang dalubhasang nobelista na ang mga makabayang aklat topped by ‘DALUYONG’ and ‘MAGANDA PA ANG DAIGDIG’ ay published by ATENEO Printing Press.
Taunang event ito sa LFIS sa Cabanatuan supported by Mayor MYCA VERGARA mismo. Laudable ang project ng mag-amang VM/Congressional bet JAY at Mayor MYCA VERGARA na 4-storey building for 28 classrooms, para mas palawakin ang quality-teaching and other concerns ng LFIS, na una nilang sinuportahan sa mga dagdag na gusali kabilang ang LFIS Gymnasium kung saan idinaraos ang various events at projects sa Arts tulad ng drawing/painting of personalities, literary contests, dance Sports activities, atbp na nakikipagtagisan sa national competitions.
Saludo po kami at maraming salamat po sa LAHAT ng suporta sa ngalan ng aming LOLO SARO, National Artist LAZARO FRANCISCO.
PRESS PHOTOGRAPHERS
OF THE PHILIPPINES
Para sa National Arts Month ngayong Pebrero, may photo and Arts exhibit ang PRESS PHOTOGRAPHERS of the PHILIPPINES (PPP) sa temang ,” Stories Behind Their Lenses”, organized by curator RIZA ZUNIGA, sponsored by YANI CAFE of Sir RICHIE at 9 A. Mabini St., Pasig City., Feb 22- March 8, 2025.
Beneficiaries ang retired photogs who dedicated their lives capturing events in Sports, politics, and other pivotal moments in the.country, tampok ang entries nina PPP Pres. Edwin Bacasmas, George Tapan, George Galvez, Jun Mendoza, Bruce Lee Strong, Nico Sepe, Claro Cortes IV, Eduardo Rabaya Castro, Rhoy Cobilla,Joey Sanchez Mendoza, Jun Barrameda, Nonie Guzman, Reyes, Gino Espano, De Sotnas, Luis Liwanag, Jo Haresh Tanodra , George Buid, Andy Zapata, Dave Leproso Jr, Chiedf Alberto Garcia, Revoli Cortez , Raniel Castaneda at Norman Goeecho. Kudos MEDIA unsung heros.