Advertisers

Advertisers

Inauguration, blessing ng bagong PCP pinangunahan ni Mayor Honey

0 23

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang inauguration at blessing ng bagong police community precinct (PCP) na nagsisilbi sa halos will serve at 39 barangays sa ikalawang distrito ngTondo, nang may panawagan sa Manila Police District (MPD) personnel na nakakasakop sa nasabing lugar na ipagpatuloy ang kanilang dedikadong serbisyo sa mamamayan ng Maynila.

SI Lacuna, na sinamahan nina Vice Mayor Yul Servo at Manila Police District Director PBGen. Arnold Thomas Ibay at Station Commander Lt. Col. Anthony Coyle Olgado ay nagpasalamat kay Congressman Rolan ‘CRV’ Valeriano na ayon sa kanya ay tumutulong na sa kanyang administrasyon na iniwanan ni dating mayor Isko Moreno ng P17. 8 billion na pagkakautang.

Ayon pa sa lady mayor dahil sa selfless dedication ni Valeriano sa pagbibigay tulong sa Maynila ay napatunayan na ang mga proyekto para sa lungsod ay maisasakatuparan nang ‘di kailangang mangutang.



“This new precinct is a testament to our continued commitment to peace and order. Ito pong si Congressman Valeriano ay masasabi kongi sang tunay na kapatid dahil wala akong hiniling sa kanya na di niya pinagbigyan,” saad ni Lacuna at idinagdag na sa pamamagitan ng tulong ng mambabatas, lahat ng ikalawang distrito ng Maynila at halos lahat ng barangay headquarters ay na-rehabilitate na at Isa ng moderno. Maging ang mga sports complex ay na-renovate na rin.

Ayon pa sa alkalde,ang Tayuman Police Community Precinct sa Immaculada Street in Tayuman, Manila, ay para sa Barangays 50 hanggang 61, Barangays 152 hanggang 165, Barangays 217 at 218 atBarangays 221 hanggang 227, lahat ay pawang sa ikalawang distrito ng Tondo.

“Pangunahing layunun nito (PCP) ang direktang pakikipag-ugnayan ng kapulisan sa mga komunidad. Mas dama ng mamamayan ang presensiya ng mga pulis anumang oras at nakapagbibigay ng kapanatagan sa bawat isang Manilenyo. Mayroon silang katiyakan na mayroon silang matatawag sa oras ng pangangailangan,” sabi ng alkalde.

Dagdag pa ng alkalde: “Kaya naman nagpapasasalamat tayo kay Congressman Valeriano dahil sa proyektong ito ng pagpapagawa ng bagong PCP dito sa Tayuman. Sa pamamagitan nitong bagong istraktura ay inaasahan natin na lalong magiging Ganado ang inspirado ang mga pulis na nakatalaga dito na maging epektibo sa kanilang serbisyo at maging alerto sa kanilang tungkulin.

Pinasalamatan din ni Lacuna ang liderato ni Gen. Ibay sa pagpapatunay sa motto na, “To Serve and Protect… Service, Honor and Justice,” at kanyang patuloy sa pagharap sa mga hamon ng panahon sa pagbibigay proteksyon sa kabisera ng bansa at mga mamamayan nito sa lahat ng oras.



Sa kanyang bahagi naman, sinabi ni na marami pa siyang proyekto na nakalinya sa kanyang susunod na termino at nanawagan sa mga Manileño na huwag ng bumalik sa dating bangungot na sitwasyon ng lungsod nung ‘di pa si Mayor Honey ang alkalde.

Samantala, pinasalamatan ni Ibay sina Lacuna at Valeriano sa kanilang suporta sa MPD at ipinangako na ang kanilang all-out na tulong ay magbibigay inspirasyon sa mga kapulisan at upang lalong magpanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Maynila sa lahat ng oras. (ANDI GARCIA)