Advertisers

Advertisers

Engineer patay sa ambush

0 17

Advertisers

NASAWI sa mga tama ng bala ang isang engineer nang pagbabarilin sa mataong lugar sa Cotabato City, Martes ng hapon .

Minamaneho ni Engineer Israel Abas Angas ang kanyang Toyota Fortuner na kulay puti nang siya ay pagbabarilin ng mga nakasakay sa motorsiklo.

Naganap ang insidente sa mataong bahagi ng Nayon Shariff Area, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City.



Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Cotabato City Police Office kung sino ang mga responsable sa pag-ambush kay Angas at kung ano ang kanilang motibo sa pagpatay rito.

Mahigit 20 na ang napatay sa pamamaril sa Cotabato City nito lang nakalipas na apat na buwan.