Advertisers

Advertisers

TRO NG KORTE SUPREMA SA PAGLIPAT NG PONDO NG PHILHEALTH, DINEDMA NGA LANG BA NINA MARCOS JR. AT RECTO?

0 48

Advertisers

Ipinag-utos ng Korte Suprema sa Philhealth na magbigay ito ng turn around time recorded reimbursement sa loob ng 10 araw ukol sa pagbabayad nito ng mga claims sa mga hospital at doctors.

Ang naturang kautusan ay matapos ipagpatuloy ngayong araw ang oral arguments mula sa pinagsamang petisyon na isinampa nina Senate Minority Leader Koko Pimentel, mga grupo ng 1SAMBAYAN Coalition, at Bayan Muna chairman Neri Colmenares.

Ang nasabing petisyon ay isinampa kasunod ng utos ng Department of Finance (DOF) sa pamamagitan ng isang department circular noong nakaraang taon na maglipat ng P89.9 billion para sa hindi nagamit na pondo ng ahensya papunta sa national treasury.



Bago ito, naglabas ang SC ng Temporary Restraining Order (TRO) upang itigil ang huling bahagi ng paglilipat ng pondo ng PhilHealth noong Oktubre 2024.

Nagsimula ang oral arguments para sa paglilipat ng pondo ng PhilHealth noong Pebrero 4, at layunin nitong matukoy kung ang mga kautusan ng DOF ay legal at naaayon sa 2024 General Appropriations Act (ACT) at sa 1987 Contitutions.

Sa naging kautusang ito ng SC,hindi lamang sakit ng ulo ang dinaranas ni Marcos Jr.at ng economic wizard nito na si former Senator Ralph Recto kundi kabog ng dibdib at nginig ng bayag!

Ang TRO ay ipinalabas para sa huling bahagi ng pondong ililipat pa sa national treasury na sa tingin ng mga legal experts ay mali at labag sa batas.

Criminal acts ito at direktang paglabag sa Konstitusyon.



Ang tanong,paano na ‘yung mga naunang pondo ng Philhealth na nailipat na at naisalin na sa pondo ng ” bugok” at kontrobersiyal na Maharlika Fund?

May pag- asa pa bang maibalik sa Philhealth?

Perang kontribusyon ito natin lahat na miyembro ng Philhealth!

Totoo nga bang napunta sa Maharlika Funds o baka naman sa lukbutan ng mga pinagpalang KAWATAN sa PALASYO at Kongreso?

Malinaw ngang ibinulgar ng isang COA official sa oral arguments sa SC na matagal nang bangkarote ang Philhealth pero bakit itinuloy pa rin ni BBM ang pag- juggled ng pondo nito sa advice na rin ni Recto?

Sabi nga,kahit pilipit na,pinuwersa ng administrasyong ito ang illegal transfer of funds hoping na di mabubuking at mabubusalan ng salapi ang sino mang kokontra dito.

Paano na ngayon?

Ang lakas ng kabog ng dibdib at nginig ng bayag nila Recto at Marcos na kapwa nawindang sa aksyon ng Korte Suprema.

Karma is on its way towards the so- called spoiled brat officials.

Mga anak mayamang di nakaranas ng hirap at gutom kaya walang malasakit sa mga abang kababayan!

Deserved nyo ‘yan, KUPAL NYO!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com