Advertisers

Advertisers

Gratuity pay, insentibo sa mga JO at COS, napapanahon na!

0 14

Advertisers

Gratuity pay, insentibo sa mga JO at COS, napapanahon na!

Hindi naman lingid sa kaalaman natin ang situwasyon ng mga job order at contract-of-service workers sa gobyerno. Lumahaba ang kanilang mukha o ‘mukhang kabayo’ sila sa tuwing sumasapit ang Pasko.

Nagmumukhang kabayo sa lungkot at pagkadismaya ang mga JO at COS dahil tulo laway na lamang sila sa katititig sa mga regular employee sa pagtanggap ng mga benepisyo o bunos sa pamahalaan.



Nasaksihan ni datibg DILG Secretay Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang lahat ng malungkot na karanasan at hinagpis ng mga JO at COS noong alkalde siya sa Mandaluyong City.

Dahil dito, isa sa prayoridad ni Abalos, tumatakbo sa pagkasenador para sa halalan nitong Mayo 12, 2025, ang pagbibigay ng regular na gratuity pay at insentibo para sa tinatayang 832,000 COS) at JO workers sa gobyerno.

Kung mahalal, sisiguraduhin ni Abalos na mabibigyan ng gratuity pay ang mga manggagawang nasa ilalim ng contract of service at job order, lalo na tuwing Pasko.

Noong alkalde si Abalos, nasaksihan at nadama niya ang lungkot ng bawal JO at COS dahil sa hindi nakatatanggap ng anumang insentibo Kapaskuhan. Gusto man bigyan ni Abalos ang mga ito, hindi uubra dahil sa ito ay labag sa mga umiiral na circular ng COA at DBM.

“Ako naranasan ko nung mayor ako, talagang awang-awa ako na kung minsan sariling pera ko dahil di ko magastos yung sa City Hall dahil baka mamaya mapahamak ako. That’s a circular of COA at DBM,” ani Abalos.



Hindi tulad ng mga regular na empleyado ng gobyerno na may hawak na permanent, casual, temporary, co-terminus, at iba pang posisyon, ang mga manggagawang nasa job order (JO) at contract of service (COS) ay hindi nakakatanggap ng mga karaniwang benepisyo sa trabaho.

Sa datos ng Department of Budget and Management noong 2023, bumubuo ang mga JO at COS na empleyado ng 29.68% ng kabuuang lakas-paggawa sa gobyerno. Tinatayang mahigit 580,000 sa kanila ang nagtatrabaho sa mga lokal na pamahalaan, habang humigit-kumulang 173,227 naman ang nasa iba’t ibang ahensya ng pambansang gobyerno.

Ang contract of service (COS) ay isang kasunduan kung saan ang mga indibidwal, kompanya, o iba pang entidad ay kinukuha bilang consultant, tagapagsanay, o teknikal na eksperto para sa mga natatanging proyekto sa loob ng itinakdang panahon. Samantala, ang job order (JO) ay tumutukoy sa mga trabahong piraso-piraso o pansamantalang gawain na isinasagawa sa maikling panahon para sa partikular na mga tungkulin.

“Sa lokal na pamahalaan at pati national government, meron tayong tinatawag na mga regular employees, meron tayong mga casual, merong contractual at meron mga job order. Apat po yan. Pero pagdating sa benepisyo, minimum benefits, ang kawawa lalo na yung dalawa. Yung job order at government service contractors,” saad ni Abalos.

Maliban sa mga yunit ng lokal na pamahalaan na may 580,323 JO at COS na manggagawa, ang iba pang ahensya na may kaparehong kasunduan sa trabaho ay ang mga National Government Agencies na may 173,227 manggagawa; mga State Universities and Colleges na may 44,168 manggagawa; mga Government-Owned and -Controlled Corporations na may 28,667 manggagawa; at mga Local Water Districts na may 6,427 manggagawa.

Panahon na nga. Ang alin? Ang gawin patas ang pagturing ng gobyerno sa JO,COS at regular employees. Bakit? Aba’y pare-pareho lang silang nagsisilbi sa bayan. Katunayan pa nga, mas maraming ginagawang trabaho ang mga JO at COS – opo, ginagawa silang alila ng maraming regular workers.