Advertisers
Nahulog sa mga kamay ng Valenzuela City Police ang isang lalaki nang maaresto sa ang kanilang ikinasang operasyon sa Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) sa Lungsod ng Valenzuela.
Ang suspek, pawang nasa 34-anyos na residente ng nasabing lungsod.
Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Mateo Altarejos ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 172.
Kasalukuyang nananatili ang suspek sa Valenzuela BJMP kung saan nahaharap ito sa kasong Acts Of Lasciviousness na may kaugnayan sa RA 7610 na naamyendahan ng RA 11648.(Beth Samson)