Advertisers
Ipinahayag ni Caloocan Mayor Along Malapitan na mula noong maupo siya bilang alkalde, naging prayoridad nito ang pagbibigay ng dagdag benepisyo sa mga senior citizen sa lungsod ng Caloocan.
“Tulad ng aking palaging sinasabi, hindi ko po kayo paaasahin sa mga imposibleng pangako at mga salitang hindi ko kayang tuparin pero tinitiyak ko na sa abot ng aking makakaya ay patuloy po akong magsusumikap na palawigin pa ang benepisyo ng mga senior citizen sa Caloocan,” wika ni Malapitan.
“Ang bawat proyekto at ang bawat programa po ng pamahalaang lungsod ay handog namin upang iparamdam sa ating mga lolo at lola ang malasakit, pasasalamat, pagpapahalaga at pagmamahal ng mga bagong henerasyon ng mga Batang Kankaloo,” dagdag ni Mayor Along.
Narito po ang ilan sa mga benepisyo ng mga senior citizen sa Caloocan ang trabaho para sa mga lola at lolo; birthday cash gift; birthday package at t-shirt; libreng serbisyo medical; bago at mas matibay na PVC ID; senior citizen booklet; libreng assitive devices; libreng sine; libreng skills training sa CCMTC; recreational activities; social pension katuwang ang DSWD; centenial cash incentives; at burial assistance;.
“Mas masayang tumanda kapag Batang Kankaloo,” pagwawakas ni Mayor Malapitan. (BR)