Advertisers

Advertisers

Piolo nilantad ang rason ng pagiging sikat na artista at endorser

0 16

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

NAPAKARAMING artista na ang nagsulputan at nawala, pero si Piolo Pascual ay nananatiling isa sa pinakasikat na leading man at mabentang celebrity endorser noon hanggang ngayon.

Ano ang sekreto ni Papa P?



“Pinaka-importante sa lahat, unang-una is yung commitment mo sa craft mo and being able to be open to evolution and not resting on your laurels is important, always looking for something that will challenge you and get you out of your comfort zone.”

Pero siyempre tulad ng kahit na sino, may mga pagsubok din na pinagdaanan si Piolo pagdating sa kanyang career.

“The biggest challenge siguro is yung palagi mong nagagawa na maging interesado sa iyo ang audience mo, knowing that you can offer more and consciously trying to always be a chameleon by accepting roles that can challenge you.

“It comes with age, yung challenge na lagi kang may naibibigay na bago, yung naiiba.”

Si Piolo, hindi lamang good looks at hot body, mahusay siyang aktor, at nababalanse niya ito.



Na kahit napakaguwapo at napakaseksi niya, hindi pa rin nakakalimutan ng lahat kung gaano siya kagaling na artista.

May sekreto rin dito…

“Self care. Self love and always being open to change.

“Just being open for things that can make you grow as an actor.

“Dapat din na aware ka palagi sa nagbabagong panahon, and being able to adapt and just making sure that everything that you do is interesting.”

Samantala, si Piolo ang bagong mukha ng Lee Jeans Philippines.

Inilunsad ng naturang sikat na international denim brand si Piolo bilang bago nilang Philippine brand ambassador dahil taglay ng aktor ang timeless appeal at versatility na tulad ng iconic denim brand.

Kilala rin sa kanyang “dynamic personality and effortless style”, perfect si Piolo bilang “Lee’s spirit as a denim icon and a man of action”.

***

FIRST time na mapapanood si Gerald Santos sa isang musical play na pambata, at ito ay ang HAPHOW.

Paano napapayag si Gerald na tanggapin ang HAPHOW?

“So, when they sent me yung songs, yung synopsis ng story, sabi ko, ‘Wow, it resonates with me!’

“Yung character, yung story, because like what I said earlier, I’ve been trying to be a role model sa mga kabataan, sa mga tao, so why not accept this?

“Kasi yun nga, it resonates with me, dahil humility, acceptance, parang lahat nakaka-relate ako sa mga sinasabi ng…yung message ni HAPHOW.

“And yung mga songs, very commercial yung mga songs, napakaganda, catchy. So sabi ko, ‘Yeah, why not?’

“I believe in the project.”

Ang HAPHOW ay nangangahulugan ng Humility, Acceptance, Patience, Honesty, Open-mindedness, at Willingness.

Isang original Filipino musical, ang HAPHOW ay mula sa produksyon ng CityDanse Academy at Show Master Artist Management and Public Relations.

Mapapanood ang HAPHOW sa Newport World Resorts sa May 28-30 at sa September 5-7, 2025.

Si MJ Aspacio ang artistic director,
playwright, composer at arranger ng HAPHOW samantalang si Antonino Rommel Ramilo naman ang musical director kasama si Dr. Salve B. Arbo bilang creative director at
music arranger.