Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
KAUGNAY ng mga balitang naglabasan tungkol sa pagkakakulong umano ni Baron Geisler sa Mandaue City sa Cebu matapos magwala dahil sa kalasingan nitong Sabado, February 22 pero nakapagpiyansa rin naman at nakalaya.
Aminadong naapektuhan ng latest isyu si Baron at ang pamilya nito pero pinarating ng aktor na okey na okey siya at nakaluwas na ng Maynila para sa shooting ng bago niyang pelikula kasama ang asawang si Jamie.
Sa kanyang interview sa Kapatid network, bagaman hindi dinetalye ang nangyari, hindi raw siya papayag na gawin ito sa kahit kanino kasi maling mali raw talaga ang lahat ng lumalabas so, kailangan daw ng hustisya para diyan.
“The truth will come out naman. Laban lang sa buhay and I choose to be happy,” sey pa ni Baron.
Nagpapasalamat daw siya sa pagiging supportive ng asawang si Jamie. Ito nga raw ang sumasagot sa mga messages at tumawag na nga raw ito sa police station, pero hanggang dun na lamang daw ang maibabahagi niya.
“I want to make it clear, I’m ok, and I’m seeking legal advice to address this properly,” aniya pa.
O ayan, sa mga nag-iimbento ng mga maling balita tungkol kay Bron, handa pala niya kayong kasuhan.
***
MAY mga nagtaas ng kilay nang mapili si Kathryn Bernardo bilang isa sa pinakabagong hurado ng Pilipinas Got Talent. First time kasi ito ng aktres. Habang naghihintay kasi na ipalabas ang kanyang upcoming film, dito muna siya mapapanood.
Kabado ang award-winning actress dahil first time niyang maging isang hurado.Pero dahil ongoing na ang tapings para sa show, may mga ilang nagtsika sa amin na pasado naman daw bilang hurado si Kathryn.
Bilib mga raw sa kanya ang ilang staff at produksyon ng nasabing programa dahil mabilis siyang naka-adjust. Mahusay daw siyang mag-judge.
Bakit naman hindi? Ang experience ng aktres sa showbiz mula Goin’ Bulilit hanggang ngayon, ang pinaka factor kung bakit karapat-dapat lamang siyang maging hurado, dahil experience wise nga ay matagal na siya sa showbiz.
Hindi lamang sa pagdya-judge naman hinangaan ang aktres.
Mula rin daw nang mahiwalay kay Daniel Padilla, mas lalo nilang nakita at na-appreciate kung paano magsalita ang aktres sa mga interviews.
Komento pa ng ilang netizens, bihira daw kasing ma-express ni Kathryn dati ang sarili dahil kay Daniel Padilla.
May mga nagsabi namang nag-mature na rin talaga si Kathryn sa lahat ng aspeto. ‘Experience is the best teacher’, ika nga.