Advertisers

Advertisers

Congresswoman kinasuhan sa pamamahagi sa ayuda ng DSWD

0 15

Advertisers

Kinasuhan ng katiwalian sa Office of the Ombdusman si Caloocan City 2nd District Reopresentative Mary Mitzi Cajayon –Uy dahil sa personal nitong pamamahagi ng ayuda na dapat ginagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinasuhan si Cajayon-Uy ng kaniyang mga constituent na pinangunahan nina Elaine Manalang Bautista at Jose Eduardo Miranda Carlos.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso nang ilang beses umanong ipangalandakan ng kongresista sa live sa kanyang facebook page na nireregaluhan at inilalabas niya ang mga taga-DSWD upang unahin ilabas ang kanilang payout sa ayuda na isa umanong paglabag sa ethical at legal standards for public officials.



Kinukwestiyun din ang pamamahagi ni Cajayon-Uy ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) kung saan trabaho ito anila ng DSWD at hindi bahagi ng kanyang trabaho bilang isang mambabatas.

Dahil dito, hiniling nina Bautista at Carlos sa Ombudsman na imbestigahan ang paglabag ni Cajayon-Uy sa kanyang misconduct at paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corruption Practices Act (RA 3019).

Gayundin nais imbestigahan ng dalawa kung sino-sinong mga opisyal ng DSWD ang sangkot sa ginawang pag-treat at nakatanggap ng regalo mula sa kongresista.

Kasabay nito, mariin namang itinaggi nina Bautista at Carlos na walang sinuman ang naki-usap sa kanila at nag-utos para sampahan ng kaso ang kongresista at nais lamang nila maiwasto o matuldukan na ang mga katiwalian ng kanilang representate sa Distrito 2 ng lungsod. (Ernie dela Cruz)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">