Advertisers
NANINIWALA si Atty. Howard Calleja, law professor sa Ateneo at La Salle, na posibleng makinabang ang China sa naging pahayag at pamamaraan ni Senate President “Chiz” Escudero hinggil sa paghawak ng impeachment complaint na isinumite ng Kamara sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.
“Any delay in the impeachment protects VP Sara and weakens the administration’s political position against the Dutertes. For as long as the Dutertes remain politically strong, China will have a foot in our political door,” wika ni Calleja.
Ayon kay Calleja, maaring mayroong dahilan si Escudero upang manimbang kabilang ang kanyang magiging relasyon sa adminitrasyon at mapanatili ang kanyang puwesto kungsaan ang pagkaantala ay hindi nagpapakita ng pagsisilbi sa bayan kundi sa ikalawang Pangulo, mga Duterte at sa kanyang sarili.
Ilang grupo at personalidad na ang nanawagan at humimok kay Escudero na sundin ang isinasaad ng Konstitusyon na salitang “Forthwith” o agarang mag-convene ang Senado bilang impeachment court sa makaraang matanggap nila ang reklamo mula sa mababang kapulungan ng kongreso noong Pebrero 5 ng taong kasalukuyan.
Ngunit, sa halip ay agarang nag-adjourn ang sesyon ng Senado isang oras matapos na kanilang matanggap ang reklamo gayung mayroon pa namang hanggang Pebrero 7 alinsunod sa legislative calendar.
“It is unfortunate that one man has shifted the discussion to legal procedures instead of the issues of corruption and other high crimes,” punto ni Calleja.
“Bad politics is again getting in the way of rule of law. The people deserve better,” dagdag pa ni Calleja.