Advertisers

Advertisers

Sen. Pimentel desididong ituloy ang panawagan para sa caucus sa impeachment case ni VP Sara

0 4

Advertisers

MARIING naninindigan at desidido pa rin si Senate Minority Leader Koko Pimentel na ituloy ang pangungulit kay Senate President Chiz Escudero na magpatawag ng caucus sa mga senador para mapagpulungan ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y kahit pa patuloy ring naninindigan si Escudero na hindi sila maaaring magdaos ng Senate special session sa gitna ng session break at kailangan nilang maging maingat sa mga hakbang upang hindi makwestyon ng kampo ni Duterte.

Ayon kay Pimentel, itutuloy niya pa rin ang “all senators caucus” at igigiit ang kanyang posisyon sa impeachment ni VP Duterte.



Naunang inihayag ng Senate Minority Leader na ang kanyang suhestyon ay base lamang sa ginawang pag-aaral sa Konstitusyon at sa Senate impeachment rules.

Mayroon aniyang constitutional duty ang mga senador na agarang aksyunan ang impeachment case at uubra na magsagawa sila ng special session kahit hindi ang Pangulo ang magpatawag nito dahil sila ay umaaktong isang korte at hindi bilang legislative body.