Advertisers
Last February 13, 2025, nakitang magkasama sina Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo at Vic Corpus, ang operations manager ng umano’y “smuggling operator” sa Mindanao, sa paghahanda para sa proclamation rally ng administration bets sa Davao del Norte noong Feb. 15.
Kasama rin sa miting sina Minda Secretary Leo Magno at SAP executive assistant Sheena Liong.
Ang problema rito, mga pare’t mare, si Corpus ay isang pribadong indibidwal at hindi dapat maging bahagi ng official event lalo’t sila ay sangkot sa mga logo, illegal drugs at human trafficking na ibinunyag sa Quadcom hearing.
Mukhang sinasabotahe na si Pangulong “Bongbong” Marcos ah. Alam kaya ito ni First Lady LAM?
***
Tinawag ng Malakanyang na isa na namang “budol” ang paratang ni ex-President “Digong” Duterte na maaring magdeklara ng MARTIAL LAW si Pangulong “Bongbong” Marcos para hindi magkaroon ng eleksyon sa 2028 tulad aniya ng ginawa ng ama ni PBBM na si Ferdinand Marcos, Sr.
Say ni Executive Secrerary Lucas Bersamin, isang retired Chief Justice ng Supreme Court, walang basehan at “ridiculous” ang pahayag ni Digong.
Say pa ni Bersamin, isang “haka-haka” o bungang-isip lamang ni Digong ang mga sinabi nito.
Kilala na kasi si Digong sa madalas na pagsisinungaling at pag-iimbento ng mga istorya. Na kapag sinita o tinuligsa ay sasabihing “joke lamang” ang kanyang mga sinabi. Oo nga!
“We treat the former presodent;s baseless and ridiculous statements in the same way that Filipinos are dimissive of them: a tall tale from a man prone to lying and to inventing hoaxes,” diin ni Bersamin.
Say pa ni Bersamin, ang nasabing panloloko ay isa na namang “budol” mula sa isangh “one-man fae news factory”.
Siniguro naman ni Bersamin na patuloy na igagalang ng Palasyo ang Saligang Batas, susunod sa ‘rule of law’ at irerespeto ang karapatan ng mamamayan. Dapat!
Aniya pa, hindi nila tutularan ang panggigipit na ginawa noon ni Digong na ipinakulong o tinodas ang mga kalaban, kungsaan masaya pang ipinangangalandakan sa madla ang mga pagpatay sa katunggali sa politika at (sa negosyong mga iligal).
Sa isang rali sa Mandaue City Cebu noong Sabado, ipinangalandakan ni Digong na posibleng magpatupad si Marcos ng batas militar tulad ng kanyang yumaong ama para raw matiyak na mapalawig ang paninirahan nito sa Malakanyang.
Sagot naman ng Palasyo, ang Dutertes ang gustong makabalik sa kapangyarihan at makontrol uli ang gobierno (at para makabalik ang mga iligalista at sindikatong mga kaibigan ng mga ito tulad nina Michael Yang, Peter Lim, Allan Lim, Charlie Tan, at Kenneth Dong na kilalang drug lords!).
***
Kaliwa’t kanan ang pangre-raid ng Bureau of Customs sa mga tindahan ng mga mamahaling kotse.
Pero kung iisipin ng maige, ang BoC ang may pananagutan sa pagkalusot ng smuggled kuxury vehicles na ito. Bakit? Aba’y sa pier dumaan ang mga sasakyang yan galing sa iba’t ibang bansa. Paano ‘yan nakalabas ng kanilang bakuran nang hindi nila namalayan?, pero alam nila kung saan ang mga tindahan ng smuggled vehicles.
Pinagloloko lang tayo nitong BoC. Mr. President, paimbestigahan mo nga sa Quad Comm. ito.