Advertisers

Advertisers

De Luna, Gomez tagumpay, swak sa quarterfinal ng Las Vegas Open

0 20

Advertisers

NAGTAGUMPAY sina Jeff De Luna at Roberto Gomez para sumulong sa quarterfinal showdown ng 2025 Las Vegas 10-Ball Open sa Rio All Suite Hotel and Casino sa Nevada.

Binugbog ni De Luna, silver medalist sa 2006 Doha Asian Games, si Radoslaw Babica ng Poland matapos ang nakakapagod na tatlong oras at 46 minutong tumbukan,, 4-1, 4-2, 4-3, habang si Gomez nakaligtas kay Dimitris Loukatos ng Greece sa marathon four-hour match, 2-4, 4-1, 4-1, 4-3.
Dahil sa panalo ay nanateling buhay ang kanilang kanya-kanyang kampanya para sa titulo na tanging dalawang Filipino nalang ang nakatayo dito sa $125,000 tournament. Pero isa lang sa kanila ang makakuha ng korona.
Iba pang quarterfinalists ay sina Greece’s Alex Kazakis at Poland’s Wojciech Szewczyk, Germany’s Joshua Filler laban sa Netherlands’ Marco Teutscher, at Germany’s Stefan Kasper kontra Estonia’s Denis Grabe.

Samantala, sa womens division na tutumbok sa Miyerkules, Pebrero 26,26 (Philippine time) Chezka Centeno depensahan ang kanyang titulo at Rubilen Amit puntirya ang kanyang unang kampeonato.



Centeno, ang 2023 world women’s 10-ball champion, umpisahan ang kanyang kampanya laban kay Nicolle Cuellar ng United States, habang si Amit, na two-time world 10-ball winner, makakaharap ang American Ada Lio.

Nakaraang taon, Centeno ay nagwagi laban sa dating world champion Chen Siming para sa Korona.