Advertisers
NAGING matatag at nag-aapoy ang opensiba ng Sealions 3H upang silaban ang Firechief Fire Extinguishers, 85-75 sa semifinal match ng SLA Sinag Liga 40 nitong weekend sa Paco Arena sa Maynila.
Puso at determinasyon ang baon sa misyon ng Sealions 3H ni team owner. Jemuel Laron at co- owners Mike Contreras at Richie Melencio para tapatan ang puwersa ng FFE tungo sa pagsaklit ng finals berth ng Sealions sa torneong nilahukan din ng mga ex-PBA dating commercial cagers at collegiate players na nasa liyebo kuwarenta na.
Mahigpitan ang laban ng mga mandaragat kontra bumbero kung saan ay 20-23 lang sa first quarter. score pabor sa Sealions.
Nagbaga ang opensa ng Tropang Laron sa second quarter bunga ng kanilaFg torrid shooting sa loob at labas upang dumistansiya ng double digit pasimuno si Màrvin Mercado, 44-32 ,2:10 bago ang halftime.
Lumobo pa ang kalamangan ng brigada ni winning coach Wynne Arboleda( ex- PBA),73 -56 sa pagtatapos ng ikatlong yugto at di na lumingon pa ang Sealions tungo sa pagpitas ng kanilang klasikong finals berth.
Nanguna sa scoring si Sealion Exequiel Panares sa kanyang output na 20pts ,7 rebs at 4 assists na nagslbing pamataý- sunog sa Firechiefs ni head coach Ronald Tubid( ex-PBA), at humawa pa kina Edgar Tìng na may tikadang 19 pts Alfie Grijaldo at Ricafuente na may 17 at 12 ayon sa pagkakasunod.
Nanindigan naman sa kanilang losing cause sina fire chiefs R.Tolentino,20 pts),Paul Santiago(16 pts) at Paolo Orbeta na may eksplosibong 10 puntos.
“ Napakaganda ng bunga ng pagka-trade between Ricky and CJ de Jesus, kapalit ni Yancee de Ocampo at iba png players involved” sambit ni Laron.
“ Salamat sa ating impact at intact players na di tayo iniwan bagama’t may ibang umalis at special mention kay coach Wynne Arboleda”,ani pa Laron.
Gaganapin ang one game final ngayong gabi sa San Andres Gym , Malate, Maynila laban sa FFE( pasok pa rin dahil sa quotient) kung saan sasaklitin ng winning team ang championship crown sa SLA na determinadong maidagdag ng Sealions ang kanilang winning tradition sa naturan ding venue. (Danny Simon)