Advertisers

Advertisers

Barko ng droga naharang sa Mindoro

0 23

Advertisers

Naharang ang isang barkong pinaghihinalaang kargado ng malaking halaga ng ilegal na droga ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na makapasok sa bansa.

Batay sa nakalap na ulat sa PCG nitong Lunes, Pebrero 24, ang hindi pinangalanang sasakyang pandagat ay nasa labas ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas at naispatang papalapit sa baybayin ng Mindoro noong Linggo, Pebrero 23, kaya hinarang ito at pinabalik ng coast guard at mga opisyal ng PDEA.

In line with President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.’s anti-illegal drugs campaign, the Philippine Coast Guard and Philippine Drug Enforcement Agency have collaborated in averting the entry of a vessel suspected to be loaded with a large volume of illegal drugs outside the Philippines’ exclusive economic zone closest to the coast of Mindoro yesterday, 23 February 2025,” saad ng PCG sa isang statement.



Siniguro ng mga operatiba na hindi makaporma at makapasok sa bansa ang nasabing barko sa kabila ng sama ng panahon at malalaking alon.

Amid heavy weather and rough seas, the joint PCG-PDEA operatives ensured the denial of entry of the subject vessel within the Philippine territory,” dagdag nito.