Advertisers

Advertisers

PASAHERONG PINOY, TIMBOG SA HIGIT 4 MILYON PISO ‘UNDECLARED FOREIGN CURRENCY’

0 18

Advertisers

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang isang papaalis na pasaherong Pinoy makaraang tangkain nitong ipuslit sa bansa ang hindi nadeklarang foreign currency na nagkakahalaga ng mahigit 4 na milyong piso na dadalhin sana patungong Hong Kong noong Pebrero 21,2025 sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 1, napag-alaman sa ulat kahapon.

Ang nasamsam na foreign currency na binubuo ng 3,950,000.00 Japanese Yen, 20,0000 Euro (EUR) at 8,500 Kuwaiti Dinar (KWD) na katumbas ng P4,335,487.48 piso ng Pilipinas na inilagay sa isang hand carry bag ay na-screen ng mga miyembro ng Office for Transportation Security (OTS) sa final security checkpoint.

Sinabi ni Customs-Port of NAIA district collector Atty. Yasmin O. Mapa, ang undeclared foreign currency ay nakuha pabor sa gobyerno matapos mabigo ang pasahero na makapagbigay ng clearance o permit mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas



Ang pasaherong pinoy ay sumailalim sa inquest proceedings para sa mga paglabag sa Sections 117, 1400, 1401, at 1403 ng Republic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), the Manual of Regulations on Foreign Exchange Transactions (as amended by BSP Circular Act No. 7653 (The New Central Bank Act), at Section 4 ng Republic Act No. 9160 (Anti-Money Laundering Act)

Ang pagsisikap na ito ay umaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipatupad ang National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing, at Counter-Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023–2027, na binibigyang-diin ang dedikasyon ng pamahalaan sa pagpapanatili ng integridad sa pananalapi at pambansang seguridad.

Noong 2024, ang BOC-NAIA ay nakagawa ng 158 interceptions ng mga hindi idineklara o maling idineklara na mga pera . Mula Enero 2025 hanggang sa kasalukuyan, ang BOC-NAIA ay nakapagtala ng 28 apprehensions na kinasasangkutan ng mga pera, sa patuloy nitong mga pagsisikap na protektahan ang hangganan laban sa ilegal na aktibidad. (JOJO SADIWA)