Advertisers

Advertisers

FAKE NEWS NILULUPIG NG CAMARA

0 53

Advertisers

KAPAG nakikita ko ang mga propaganda materials ni Bong Revilla, natatawa ako. Tanong ko sa sarili ko kung dapat siyang iboto. Isa lang ang sagot, kung nababaliw ako, iboboto ko siya. Pero hindi. Hindi pa kumawala ang katinuan ng aking pag-iisip. Walang nagawang batas na matino si Bong Revilla. Huwag ihahalal.

***

ISA ang pinanggagalingan ng mga fake news. Sadyang may factory ng fake news ang kampo ni Gongdi, Misfit Sara, Bong Go, Bato, at iba pang taga Davao City. Kinilala ito ng mga kongresista kaya inumpisahan ang pagsisiyasat sa Camara de Representante. May natisod kaming pahayag ng mga mambabatas tungkol sa fake news ng kampo ni Gongdi.



Teka nga pala, noong 2018, sinikap ni Grace Poe na tumbukin ang isyu ng fake news. Nagdaos siya ng ilang public hearing. Pero walang nangyari. Wala siyang naipasang batas na pipigil sa pagdagsa ng fake news. Pumalpak siya. Basahin ang natisod namin na balita.

Mga lider ng Kamara, Young Guns pinuri ang CIDG chief sa laban kontra fake news

Pinuri ng mga lider ng Kamara de Representantes at ng Young Guns si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Gen. Nicolas Torre III sa kanyang matibay na paninindigan laban sa fake news, partikular ang pagsasampa nito ng reklamo laban sa isang vlogger na nakabase sa Cebu na nagkalat umano ng maling balita laban sa kanya.

“In today’s digital age, truth matters more than ever. We commend the CIDG chief for his commitment to upholding facts and holding accountable those who deliberately mislead the public,” ayon sa joint statement nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Manila Rep. Bienvenido Abante, Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, La Union Rep. Paolo Ortega, at Zambales Rep. Jay Khonghun.

Noong nakaraang linggo, naghain si Torre ng mga reklamong inciting to sedition at unlawful utterances laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng pahayag na dapat patayin ang 15 senador upang manalo ang lahat ng kanyang senatorial candidates sa midterm elections.



Si Torre ay itinalaga bilang hepe ng CIDG noong Setyembre 2024. Pinangunahan niya ang mga operasyon laban sa nakakulong na senatorial candidate na si Apollo Quiboloy, na kilalang kaalyado ni Duterte at may mga kaso ng human trafficking.

Binigyang-diin ng mga kongresista ang panganib na dala ng misinformation dahil nagdudulot ito ng kalituhan at nagpapahina ng tiwala sa mga demokratikong institusyon. “Fake news is a serious threat to our society. It misleads people, distorts public discourse and even puts lives at risk. Those who spread false information should be held responsible for the damage they cause, whether to private individuals, public servants or the Filipino people as a whole,” ayon sa kanila.

Ipinunto na kailangang ipatupad ang hustisya sa pamamagitan ng legal na proseso at hindi sa pamamagitan ng karahasan o extrajudicial actions. “In this new era of governance, those who break the law are not silenced or killed. There are no extrajudicial killings here. Instead, we hold them accountable through the legal process,” dagdag pa nila.

Kasalukuyan iniimbestigahan ng mga awtoridad ang isang hinihinalang data breach at misinformation campaign na may kinalaman sa mga indibidwal na lumahok sa kilos-protesta sa Cebu noong Sabado, kabilang ang vlogger na si Ernesto “Jun” Abines. Isinagawa ang operasyon laban kay Abines matapos akusahan ni Torre na nagpakalat ito ng fake news tungkol sa umano’y pagkakaospital ng CIDG chief. Kinumpirma ni Torre na humingi siya ng search warrant upang makuha ang mga kagamitan na diumano’y ginamit sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

“Let’s be critical of what we read and hear. Verify facts before spreading information – this is the best way to stop the spread of fake news,” giit nila. Muling ipinaabot ng mga mambabatas ang kanilang suporta sa mga panukalang batas na nagpapataw ng parusa sa mga indibidwal at organisasyong sadyang nagpapakalat ng kasinungalingan, na kasalukuyang tinatalakay sa Tri Committee (Tri-Comm). “We support laws that will hold accountable those who peddle fake news to mislead and deceive the public,” anila. “As elected representatives, it is our duty to set an example by upholding truth and integrity in public service,” dagdag pa nila.

***

Binigyan linaw ni Manila Kin. Joel Chua na mandando ng Senado ang agad na paglilitis kay Sara Duterte bilang mandato sa Konstitusyon at mamamayang Pilipino. Dapat aksyunan ng Senado ang Articles of Impeachment na inihain ng Kamara de Representantes. Naniwala si Chua na kailangan magpatawag ng special session si BBM upang mabalangkas ng Senado ang impeachment court at maaaring simulan na nito kaagad ang paglilitis kay Duterte.

Kinalala ni Chua ang opinyon ni Chiz na ang aktwal na impeachment trial ay maaaring magsimula sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo. “But kami nga po ang stand po kasi namin dito dapat ay agaran na po ‘yung pag-try ng impeachment dahil ito po ay inu-utos po ng ating Saligang Batas.

***

Email:bootsfra@gmail.com