Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MARAMI ang nalilito kung ano nga ba ang totoo sa likod ng mga isyung nagkabalikan na raw sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Nagsimula ito nang pumayag na raw si Kathryn na makipag-usap kay Daniel. May lumabas ding isyu na tumigil na nga raw sa panliligaw si Alden Richards kay Kath.
At heto naman ngayon at kinukumpirma naman ng isa pang sawsawera sa maiinit na isyu sa showbiz na si Christian Gaza, na isang social media personality, na nagkabalikan na nga raw sina Daniel at Kath.
Ikinatataka rin ng mga netizens kung ano ang konek ni Gaiza sa showbiz dahil sa halos lahat ng maiinit na intriga rito ay may kwento siya.
May isang video ang lumabas, kung saan isang founder ng fan club ni Kathryn na si Long Gumatay ang nakausap nito ang ina ng aktres na si mommy Min.
Nang sabihin ni tita Long na kumustahin naman nito ang mga faney ni Kathryn, sey ni mommy Min ” I Know they’re very well. Huwag kayong masyadong naniniwala sa mga fake news. ”
Tanungin na lamang daw si tita Long.
So one plus one lamang daw ayon sa mga faney ni Kathryn na ang lahat ng lumalabas sa mga balita ngayon ay hindi totoo. Ang tanong alin du’n ang hindi true?
***
HINDI man naging perpekto ang pamilya, hindi naging hadlang ito para sa mga anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano para ipursige ang kanilang pag-aaral. Hindi lang ‘yun, mga achievers pa ang mga anak ng dating mag-asawa.
Masayang ibinalita ni Sunshine na nakapagtapos na ng college ang panganay nilang anak na si Angelina Isabelle.
Post niya sa kanyang socmed: “1 down. Angelina! We are so proud of you! I’ve always prayed for this. Keep shining and we will be by your side all the way. We love you! Congratulations! Angelina.”
Si Angelina ay nakapagtapos sa De La Salle University Manila ng kursong Bachelor of Science in Marketing Management.
Pero ang ikinatuwa ng netizens ay ang post kung saan magkasama sa ilang pictures sina Sunshine, Angelina, at Cesar sa graduation ng anak.
Marami nga ang masaya dahil dun. Matatandaang grabe rin ang isyu kasi noon nag hiwalayan ng dalawa na umabot pa sa demandahan. Pero naayos din naman ang lahat ng mga gusot sa kanila at ngayon nga ay friends na sila.
At least, nauwi man sa hiwalayan ang kanilang pagsasama, ok na ok na naman sila ngayon bilang friends. As a matter of fact ay magkaibigan ang partner ni Cesar at si Sunshine. Nakilala na rin daw ni Cesar ang boyfriend ni Sunhine na si Atong Ang.
Maalalang ikinasal sina Cesar at Sunshine noong 2000. Naghiwalay sila noong 2013 at na- annul ang kasal nila noong 2018. Biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.