Isyu Sa Mga Kapwa Mayoralty Race Sa Maynila, Punto Por Puntong Sinagot Ni Super Mahra Tamondong; Di Pressure Dahil Panatag Ang Loob At Nasa Finish Line Na
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
SA recent one on one interview ng masigasig na vlogger na si Annie Cipcon sa aming itinuturing na Mayora Super Mahra Tamondong, isa-isang sinagot at binigyang linaw ni Super Mahra ang mga controversial issues sa mga katunggaling sina incumbent Manila Mayor Honey Lacuna, Isko Moreno at Sam Verzosa. Walang paligoy-ligoy na sinagot nito ang mga tanong sa kanya ni Annie na isa sa kanyang mga original loyal vlogger na supporter. Tulad ng kumustahin kay Super Mahra, ang pagdalaw-dalaw nito sa iba’t ibang distrito sa Maynila. “Actually since 2022 up to now, hindi naman ako nanibago bumaba or makipag-usap (sa mga Manilenyo).
“For almost 3 years, ginagawa ko talaga siya on my own. So hindi ako tipo ng iba (co-mayorals) na porke bumababa, kailangan ma-pressure ako.
“Kasi bakit? Everytime na bababa ako yung sense ng pagbaba o bisita ko ay hindi para ikampanya ang sarili ko. Kundi gusto kong makilala yung bawat taong bayan, yung bawat Manilenyo.
“Gusto kong makita yung tunay na sitwasyon. Gusto ko pang malaman yung malalim na pananaw nila, lalo na pagdating sa pulitika. So hindi ako naninibago, hindi ako napapagod. At lalong hindi rin ako nagmamadali. Ang gusto ko yung gagawin ko ay sigurado talaga, one hundred percent na hindi lang ako na ah, gusto kong bumaba para magpakita. Totoo naman, unlike yung ibang kalaban ni Super Mahra ay after lang mag-file ng kanilang candidacy, saka sila bumaba at nagpakita halos araw-araw sa tao. “Alam mo sa totoo lang ha. Ang comment ko diyan. Siyempre, nagmamadali sila dahil wala sila ng dalawang taon mahigit. Absent sila. Pano nila pupunan yun, in a short period of time na bumaba lang sila magmula nang mag-file. Ako right before that two years in a half na po ako na bumaba. Kung meron mang magmamadali, sila yun dahil wala naman sila.
“Kumbaga, sa akin ay andoon na ako sa finish line. Hello, kayo kakaumpisa niyo pa lang. I think, it’s one step at a time. At narating ko yung finish line, na hindi ako kailangan tumapak sa ibang tao. Kundi dahan-dahan at talagang kinilala ko ang taong bayan. Talagang pinulsuhah ko kung ano talaga ang hangad nila para sa Maynila,” sunud-sunod pang pahayag ni Super Mahra. Sinagot din niya ang isyung hindi raw siya kilala sa Maynila? “Alam mo natatawa nga ako diyan. Kasi hindi ko alam kung pakulo lang nila yan. Kasi everytime na ako ay may pinupuntahang isang lugar hindi ako nagdedeklara kasi parang pa VIP ako na si Ma’am ganyan.
“Ngayon everytime na bumababa ako sa isang lugar ay talagang all of sudden, kahit madaling araw, ala-una, alas-dos or even yung sobrang aga or alanganing oras, andaming tao. Minsan nga iniisip ko, ako ba ang tinitingnan ng mga ito. So lalapitan nila ako tapos sasabihan nila ako “Ma’am kanina ka pa namin inaantay. Kasi alam namin tumutulong ka, madali kang kausap.”
“Pano nila sasabihing hindi ako kilala mga tao nga e naghihintay nga sa akin. So kumbaga hindi man ako kilala, siguro yung mga langaw lang yun oh. Eh baka gusto nila ay sila lang ang sikat. Sige, tutal mas matanda naman kayo sa akin. Mas bata naman talaga ako na di hamak. Okey na sa akin yun. Out of respect lang sa ating mga senior citizens.”
“Syempre, kung ano man ang gusto nilang sabihin e masasabi nila. Pero ang katotohanan ay hindi naman pwedeng maitago. Sa akin parang napakababaw naman yung black propaganda nila na yan na hindi ako kilala,” palaban pang sagot ni Super Mahra sa mga kalaban na minamaliit ang kakayahan niyang magsilbing bagong Mayor ng Maynila.
Pabiro pa nitong sinabi na baka taga-Hollywood siya kaya hindi siya kilala ng mga ito. Yung hindi pag mention lagi ng kanyang pangalan sa event at maging sa survey na mga sarili namang survey. “Bahala na si God, sa kanila. Kung saan sila masaya, pero sa akin lang honestly speaking, may mga nagtatanong din. Even yung mga survey na ginagawa nila di ba, mabanggit ko lang. Anong reaction ko diyan? May nagbanggit sa akin na isang leader na ini-screenshot niya. Natawa lang ako. Sabi ko my God para pala akong Hollywood, hindi ako pwedeng i-level sa local hahaha! Natatawa pang reaction ni Super Mahra. Ang tugon at komento naman nito sa ipinagyayabang ng katunggali niya na ito ang malakas sa Maynila at yung isa namang kongresista ay nag-rally pa na sinisigaw ang mga taong nagbenta ng ng ari-arian ng Maynila na mga itinuturing pa mandin na landmark. Ayon pa kay Super Mahra, bakit sigaw sila nang sigaw kay___________( pangalan ng pulitiko). Ba’t noong tumakbo itong presidente ay bakit wala sila at natalo ito. Yung representative naman ng isang Party-list dapat daw ay noong 2022 pa ito nag-rally nang nabigyan agad ng solusyon ang sinasabing katiwalian na ilegal na pagbebenta raw ng property ng Maynila.
“Well the truth will always prevail. Saka hayaan natin siya na harapin niya ito. At karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan. Sa representative naman ng party list na actually hindi ko kilala sa Maynila. Sana noon pa siya nag-ingay hindi ngayong eleksyon.” Oo nga naman obyus na dirty tactics niya ito sa kalaban para siya ang lumabas na bida sa mata ng mga Manilenyo na mukhang gustong budolin.
Well as of presstime, and as I’ved heard lalong lumalakas ang pangalan ni Super Mahra sa Maynila at siya ang mayoral candidate na pinag-uusapan at laman lagi ngayon ng social media. At siya rin ang pinagkakaguluhan ng mga vloggers, na wala sa kanyang mga katunggali.
Saka nakatatak na sa maraming Manilenyo si Super Mahra dahil minahal sila nito at parating bumababa sa iba’t ibang barangay, para magbigay ng tulong o ayuda. Ang dami ring supporters ni Super Mahra na mga vendor sa palengke gayundin ng mga padyak at siyempre ang mga senior citizens na malaking parte sa pagtakbo ni Super Mahra. At ang boto nila at ang Mayor nilang lahat ay si Super Mahra Tamondong na nasa ilalim ng partido ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na Kilusang Bagong Lipunan (KBL). Number 9 pala sa balota si Super Mahra.
At narito ang listahan ng kanyang kapartido o team sa 2025 Midterm Election. Her Vice Mayor is Remy Oyales at pitong Councilors na sina: Actress Sylvia Manansala-District 1, Boyet Mariño at Edwin Cayetano-District 4, Harry Huecas, Jett Magno at Strauss Tugnao-District 5 at mula naman sa District 6 na si Edwin Pilola Salve. Tandaan, maging matalino at alisto sa inyong pagboto at huwag na huwag paloloko o budol sa mga matatamis na dila ng kandidato.