Advertisers

Advertisers

Pero ‘di nagmamadali… Shaina waiting pa rin kay ‘Mr. Right’

0 354

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MARAMI ang nakapansin na after her breakup with John Lloyd Cruz noong 2012, wala nang naging seryosong relasyon ang magaling na aktres na si Shaina Magdayao.

Bagama’t na-link siya kay Piolo Pascual, wala namang seryosohan sa kanilang romansa.



Matagal na ring naka-move on ang Tagpuan star sa breakup nila ni Lloydie lalo pa’t may anak na ang kanyang ex.

Sa ngayon, walang lovelife si Shaina at masasabi niyang nag-mature na ang perspektibo niya sa buhay pagdating sa prayoridad.

Hirit niya, hindi raw naman siya na-trauma sa pakikipagrelasyon kay Lloydie dahil marami raw naman siyang natutunan sa kanyang karanasan dito na nagpalawak sa kanyang pagkatao.

Aniya, ngayon daw, ayaw niyang madaliin ang kanyang lovelife dahil naniniwala siyang darating din na mahahanap niya ang tamang lalake para sa kanya sa tamang panahon.

“I don’t think na ako lang iyong tao who feels that way. Sa aspect na ganyan, let’s say, sa family o lovelife. Medyo clear na siya sa akin, now na mas kalma ako sa buhay. Mas kilala ko na ang sarili ko and I actually accept the fact na I’m here to stay in this industry because at one point in my life, I felt so lost that I questioned kung dapat nandito pa ako o dapat ba ipagpatuloy ko pa ito,” aniya.



“I asked, what is there to do. Nagkaroon ako ng isang malaking tanong. Dapat pa ba ito sa akin? Sinagot naman ako ng maraming proyekto, mas binigyan ako ng makabuluhang roles. Now, at this point, I’ve accepted the fact, this is really for me. This is my mission. I understand may delay konti when it comes to personal concern. Siguro, marami pang pinapauna sa akin gaya nitong movie naming Tagpuan,” dugtong niya.

Nagpapasalamat din siya na sa kabila ng pandemya ay binibiyayaan pa rin siya ng trabaho.

“We’re all in the middle of this pandemic and napaka-blessed ko to still have work. Dito muna niya ako dinadala. I guess when the timing is right. God’s timing, of course, alam ko na  iyon. Darating at darating din naman iyon.

“At this point, it’s all about staying in the present and being present, and making most of the season in my life,” paliwanag niya.

Ginagampanan ni Shaina ang papel ni Tanya, isang adventurous woman na na-meet ni Allan (Alfred Vargas), isang businessman sa Hong Kong.

Kabituin sina Alfred Vargas at Iza Calzado, ang Tagpuan na kalahok sa 2020 MMFF ay mula sa iskrip ni Ricky Lee at sa direksyon ni Mac Alejandre mula Alternative Vision Cinema.

Mapapanood na ang pelikula online simula sa Disyembre 25, araw ng Pasko, via Upstream.