Advertisers
Upang mapagaan sa pasanin ng mga pamilyang nahihirapan at makahikayat pa ng mga mamumuhunan sa ating bansa ay ipinapanakula ni SENATORIAL CANDIDATE BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR. ang pag-aalis ng VALUE ADDED TAX (VAT) sa KURYENTE.
Ayon kay ABALOS, ang pagtanggal ng VAT sa kuryente ay magpapalakas sa kakayahan ng ating bansa na makipagkumpitensya sa mga FOREIGN INVESTOR.., na lubhang isinasaalang-alang ang gastos sa operasyon sa pagpapatakbo ng negosyo sa isang bansa.
Mga ka-ARYA.., ang ating bansa o ang PILIPINAS ay isa sa may pinakamahal na singil sa kuryente sa TIMOG-SILANGANG ASYA.., at nang maipasa ang EXPANDED VAT sa 13th CONGRESS noong 2005 ay isa si ABALOS sa iilang mambabatas na hindi bumoto pabor sa panukala, dahil naniniwala siyang magdudulot ito ng matinding epekto sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“Ako po ay congressman noong 13th Congress noong ipinasa itong eVAT sa kuryente. Tumayo ako, hindi ako pumayag noon. At nag-file ako ng resolusyon na itigil muna ang implementation na ito. Dahil naniniwala ako, ito’y magiging masama sa ating bansa.., hanggang ngayon ay pinag-uusapan at tatayuan ko ulit ito kung sakaling maging senador ako. At the very least, mabawasan man lang ang VAT sa kuryente para gumanda at gumaan ang bayad natin sa kuryente,” pagpupunto nito.
Bilang FORMER MANDALUYONG CITY MAYOR ay batid ni ABALOS ang epekto ng mataas na gastos sa mga pangunahing utility sa karaniwang mamamayan.., na isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi niya sinuportahan ang VAT sa kuryente.
Ayon kay ABALOS.., anumang pagtaas sa presyo ng kuryente ay tiyak na makaaapekto sa antas ng INFLATION sa bansa.., kaya
naghain din si ABALOS ng isang joint resolution na naglalayong magdeklara ng dalawang taong moratorium sa pagtanggal ng exemption ng mga produktong petrolyo at mga kompanyang gumagawa ng kuryente mula sa saklaw ng VAT.
“Humingi pa ako ng moratorium na isuspinde ito at sinasabi ko for every 1% increase sa average retail price ng petroleum, ito yung 6.7 basis point increase sa inflation,” hayag ni ABALOS.., at tunay nga na ang pagsusuri nito mula 20 taon na ang nakalipas ay nagkatotoo at patuloy pa ring nararamdaman ng bawat FILIPINO FAMILIES hanggang sa kasalukuyan.
“Hanggang ngayon naniniwala ako rito. Bakit po? Kasi kung mataas ang kuryente, tataas ang tubig, tataas ang commodities at hindi lang yun. So paano papasok ang manufacturing? Kung mataas ang kuryante mo, mataas ang overhead mo.., so dapat itong pag-usapan ng mga ekonomista. Kung mabawasan natin ito, kung mawala ito, pero kapalit naman ito ay dadami ang negosyo, dadami ang trabaho at lalong lalago ito.” pagpupunto ni ABALOS.
“As far as I’m concerned, consistent po ako rito for the last 20 years at titindigan ko ito.., tandaan nyo ito.., hanggang sa tumanda ako ay gagawin ko ito. Tututulan ko ang VAT sa kuryente para bumaba ang pagbayad natin sa konsumo ng kuryente,” pagbibigay diin nito.
Bukod sa pag-aalis ng VAT sa kuryente, kabilang sa lehislatibong agenda ni ABALOS ang paggamit sa mayamang pinagkukunan ng renewable energy ng bansa upang higit pang pababain ang halaga ng kuryente at sa kalaunan ay mapatatag ang supply nito!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.