Advertisers

Advertisers

DUTERTE GUSTONG BUMALIK SA POWER KAYA GINIGIBA ANG MARCOS

0 22

Advertisers

MARIING iginiit ng Malakanyang na gusto lamang ng mga Duterte na bumalik sa kapangyarihan kaya nila sinisiraan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang kanyang administrasyon.

Reaksyon ito ng Palasyo kasunod ng alegasyon ng kampo ni Duterte na sinasadya ng administrasyon na ma-impeach ang bise presidente para hindi makatakbong pangulo sa 2028.

Pahayag ni Presidential Communications Office o PCO Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang gagawin si Pangulong Marcos matuloy man o hindi ang impeachment trial kay Vice President Sara.



Malinaw din na aniya umpisa pa lang ay kontra na si Pangulong Marcos sa impeachment.

Dagdag pa ni Castro, nangyari ang pag-impeach ng Kamara kay VP Sara dahil sa separation of powers.

Gayunpaman, anuman ang maging pagtingin dito ng mga Duterte ay opinyon na lamang nila ito.