Advertisers

Advertisers

VICE MAYOR, BINARIL HABANG NAGTATALUMPATI

0 79

Advertisers

SUGATAN ang isang vice mayor nang barilin habang nagtatalumpati sa relief operation sa Barangay Magaslong, Datu Piang, Maguindanao del Sur nitong Lunes, Pebrero 24.

Kinilala ang biktima na si Vice Mayor Omar Samama ng Datu Piang.

Ayon kay 6th Infantry Division Philippine Army spokesperson Lt. Col. Roden Orbon, nasa kalagitnaan ng talumpati si Samama nang barilin ng isang hindi pa nakikilalang gunman 10:00 ng umaga.



Nagtamo ng tama ng bala si Samama sa dibdib, at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Sa Facebook post ni Maguindanao del Sur board member King Mangudadatu, kasalukuyan nang nasa stable condition ang bise alkalde.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.