Advertisers

Advertisers

UST pinundar ang title showdown vs NUNS sa UAAP girls’ basketball

0 10

Advertisers

DINUROG ng University of Santo Tomas ang De La Salle – Zobel,107-47, Linggo upang ipundar ang title duel laban sa National University-Nazareth School sa UAAP Season 87 girls’ basketball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan.

Grachelle Boteros nagtapos ng 24 points, six rebounds, three assists at three steals para makamit ang kanyang second Player of the Game award ng pamunuan ang Junior Golden Tigresses sa 5-0 rekord.

Maghaharap ang UST at NUNS sa best-of-three series sa league’s demonstration event, na bumalik matapos ang five-year hiatus.



Dapat ay nagharap ang UST at Adamson Univeristy sa Season 82 finals pero dahil sa Covid-19 pandemic, ideneklara sila ng UAAP na co-champions.

Katina Insoy at Rhiane Perez nag-ambag ng 16 at 15 points, ayon sa pagkakasunod, habang si Barby Dajao may nine points, 11 rebounds, six assists, at four steals para sa Junior Golden Tigresses.

“We’re happy, especially the girls. But what’s important now is the mental situation of the girls because we are preparing them for the last four games. It’s okay but we still need some work and improvements,” Wika ni Dysangco.

Muling magsasagupa ang UST at NUNS sa Marso 6 bago ang finals.

Sofia Martinez may 10 points, habang si Irish Notarte nagdagdag ng eight points at 10 rebounds para sa Junior Lady Archers.